Julia Barretto, umiyak habang kumakanta sa stage kasama si Joshua Garcia

Julia Barretto, umiyak habang kumakanta sa stage kasama si Joshua Garcia

- Nag perform sila Joshua Garcia at Julia Barretto sa Just Love Araw-Araw Fan Meet

- Sa gitna ng kanilang performance, biglang naiyak si Julia

- Kaagad siyang niyakap ni Joshua nang mapansing niyang lumuluha ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mukhang hindi pa rin completely nakaka-move on si Julia Barretto sa kontrobersyang pinagdaanan nila ng rumored boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Nalaman ng KAMI na biglang naiyak ang aktres habang kumakanta ng kanta ni Ed Sheeran na “Perfect” sa Just Love Araw-Araw Fan Meet noong Mayo 20.

Nang tumulo na ang kaniyang luha, tumigil sa pagkanta si Julia, tumalikod sa audience, at sinubukang punasan ang kaniyang mukha.

Nang makita ito ni Joshua, kaagad niyang niyakap si ang aktres.

Nagsigawan naman ang audience ng magyakapan na ang rumored couple.

Naging kontrobersyal si Joshua kamakailan matapos kumalat ang balita na nagbigay siya ng compliment para sa isang female netizen.

Inakusahan siya ng ilang netizens na nakikipag-flirt siya.

Inamin naman ni Julia na nasaktan siya sa ginawang ito ni Joshua pero handa siyang ibalik sa dati ang kanilang samahan.

Naniniwala ang KAMI na lalo lamang ito magpapatatag sa relasyonn ng JoshLia!

Dancing challenge on HumanMeter! Are you ready to see something crazy? Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video – on KAMI Human Meter Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel