Single mom na OFW, nakapagpundar ng bahay at sasakyan dahil sa mabait na amo
- Nilahad ni Inday ng Visayas ang pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa
- Sa unang 4 na taon niya sa pagiging DH sa Kuwait, aminado siya na talagang matinding sakripisyo ang inabot niya
- Buti na lamang, di sumuko si Inday dahil sa ikalawang beses na pag-aabroad niya, doon pala niya matatagpuan ang isang mabuting amo na tutulong sa kanya na maiahon talaga ang kanyang buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa dami ng kwentong OFW na ating nababasa o naririnig, madalas ay kung paano nila sinuong ang kanilang buhay na malayo sa kanilang mahal sa buhay.
Dagdagan pa ito ng pakikipagsapalaran sa mahihigpit na kamay ng kanilang amo na aminin natin madalas di maganda ang pagtrato sa kapwa nating Pilipino.
Ngunit sa kabila ng hirap, may mga kwento rin namantayong kapupulutan ng aral at inspirasyon na sa kabila pala ng mga pasakit na kanilang nararanasan, pasasaan pa at makakamit din pala nila ang ginhawa ng buhay.

Gaya na lamang ng kwento ni Inday ng Visayas na sa unang subok pa lang niya sa ibang bansa, di na naging mganda ang kanyang karanasan.
Single mom si Inday, kaya naman di naging dahilan ang di magandang karanasan niya para siyang tumigil na mangibang bansa.
Sa pangalawang pag-alis niya kung saan baon muli niya ang taimtim na dasal at pagmamahal ng kanyang tatlong babaeng anak at ina, dito na pala niya matatamasa ang ginhawa na makakapagpabago sa buhay ng kanyang pamilya.
Narito ang kwento ni Inday ng Visayas na buong tapang niyang binahagi sa KAMI.

Just call me inday of Visayas... I am widow with 3Kids...26yrs old lamang ako ng mamatay sa aksidente ang aking asawa, may 3 kaming anak at nong time na yon ang liliit pa nila 5yrs,3yrs,1yr old lang sila...mahirap na pamilya lng din ang napangasawa ko kaya wla akong aasahan sa knila na makakatulong skin, ganun din ang sa side ng pamilya ko mahirap lng din kami isang kahig isang tuka.pagkalibing ng asawa ko nilisan ko kaagad ang lugar nila kasi habang andun lng ako sa bahay na pinagawa nya para smin bawat sulok na makikita ko naaalala ko siya at iyak lng ako ng iyak, sa gabi na natutulog kaming mag-iina pinagmamasdan ko mga anak ko awang-awa ako sa knila kasi lalaki sila na di nila makagisnan ang kanilang ama at anong buhay ang maibigay ko sa knila kasi ang liliit pa nila at wla nman akong trabaho kasi housewife lng ako noon dahil ayaw akong pagtrabahuin ng asawa ko. Kinuha ako ng pamilya ko inuwi nila ako sa probinsya nmin at tumigil ako dun pansamantala para makapagmove on mona dhil wla rin ikabubuhay ang pamilya ko napilitan akong iwan ang mga anak ko sa mga murang edad sa nanay ko. Pumunta ako ng maynila at nghanap ng trabaho. Halos lahat ng factory sa maynila napasukan ko na ata kasi every 6months is end of contract at need mong mgaapply ulit ng panibago. Halos ganun ang naging buhay ko dun for 2yrs na ang kinikita ko is 10k to 12k a month kaltasan pa ng pagkain at upa ko sa boardinghouse halos wla pa nga sa kalahati ang matitira skin at yon ang pinapadala ko sa mga anak ko. Halos kulang na kulang kong tutuusin pero wla akong choice kasi yon lng ang kinikita ko sa klase ng trabaho na nahanap ko sa tulad kong high skol grad lamang. Ang ginawa ko umuwi mona ako sa probinsya nmin para makita rin ang mga anak ko. Diko alam ang gagawin ko kasi mg-aaral na sila marami ng bilihin kagaya ng uniform at skol supplies nila napaisip na nman ako kong papano ko sila masuportahan. Wla akong mahingian ng tulong that time may mga kmaganak kami sa abroad pero parang di nila ako kilala noon kasi mahirap lang kami. Ang ginawa ko pumunta ako ng city that time may nadaanan akong agency na nghihire sila ng dh for kuwait at urgent sila. Pagkauwi ko sa bahay kinausap ko ang nanay ko na balak ko mgaapply abroad and the next day ngprocess ako kaagd ng pasport ko pinarush ko na kaya after 2weeks narelease ko na kaagad, nong bumalik ako sa agency para mgaapply na dumaan muna ako sa simbahan at ngdasal na gabayan niya ako kong saan man ako dalhin ng kapalaran ko. Nagsindi ako ng kandila at taimtim kong idinasal na bigyan lng ako ng mabait na amo para masuportahan ko ang mga anak ko at saka ako ngproceed sa agency for interview pero that day nahire ako kaagad kaya medical at training ako kaagad halos diko nga nakasama ng matagal ang mga anak ko. First kong mapalayo sa pamilya ko, bitbit ko ang bag ko nilisan ko ang bahay ng wlang lingonlingon tanging iyak lng ng mga anak ko ang naririnig ko kasi ang mga mata ko puno na ng luha pero diko pinakita yon sa kanila. Humalik at yumakap ako sa knila ng nakangiti. Nong araw na ng flight ko takot at kaba ang naramdaman ko kasi arab country ang pupuntahan ko knowing na delikadong lugar ang ppuntahan ko pero lakas ng loob at pananalig sa diyos ang pinanghahawakan ko kesa makitang nagugutom at nghihirap ang mga anak ko. Pagdating ko ng kuwait kinuha ako kaagad ng magiging amo ko.

Pagdating ko sa bahay ng amo ko pinagpahinga mona nila ako pero di nman ako nakapagpahinga kasi ang isip ko lumulutang andun sa mga anak ko,ang iyak nila yon pa rin ang naririnig ko. Kumakain ako pero diko nalalasahan ang kinakain ko. Pinapagod ko ang sarili ko sa mga trabahong bahay para pgdating ng gabi makakatulog ako ng diretso pero hindi eh ganun pa rin boses pa rin ng mga anak ko ang nagugunita ko. Gabi-gabi akong umiiyak as in bumagsak ang katawan ko kahit tambak nman kami sa pagkain. Hanggang sa dumating ang point na gusto ko ng umuwi na lamang pero iniisip ko kong ano nman ang gagawin ko sa pinas ng-aaral na ang mga anak ko ang hirap na dinanas ko habang nsa training, ang ngkakandarapa kong saan kukuha ng pamasahe oras tawagan ka na need mong mgreport sa agency, lahat ng mga hirap ko sa pinas yon ang inisip ko at yon ang ngpalakas ng loob ko hanggang sa inabot ako ng 4yrs sa amo ko sa kuwait bago nakauwi pero di na ako bumalik sa knila kasi mababa lng ang sahod ko dun and take note sa 4yrs ko na yon wla akong day off dun. Bawal pa ang cp dun may cp ako pero patago pa na gamit kasi mahigpit sila pagdating sa phone, natapos ko ang 4yrs ko na di nila alam na may cp ako. Sa pagbalik ko ng pinas naninibago na ako nahihirapan na ako mgstay na wlang inaantay na sahod at ang mga anak ko palaki ng palaki ang gastusin . Kaya ngaapply na naman ako hongkong same procedure pa rin ang ginawa ko dumaan ulit ako dun sa church kong san ako ngsindi ng kandila noon bgo pumunta sa agency ng papuntang hongkong naman.

Nong andito na ako sa hongkong nakatagpo ako ng mabait na amo very understanding at generous nila skin dahil yon ang taimtim kong idinasal na sana bigyan niya ako ng amo na handa akong tulungan sa pangangailangan ng mga anak ko. Alam nila ang sitwasyon ko na singlemom ako at ako ang lang ang inaasahan ng aming pamilya . Sobrang bait ng amo ko pero diko yon tinitake for granted bagkos ang kabaitan nila skin binabalik ko yon sa kanila in the way na inaasikaso ko ng mabuti ang alaga ko at ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Sa 3yrs ko na sa kanila nakabili na ako ng traysikel para service ng mga anak ko at napagawa ko na rin ang bahay nmin at naibibigay ko ng maayos ang pangangailangan ng mga anak ko. Puro na high skol ang mga anak ko. Hindi ko nga lubos maisip na kaya ko pla sila palakihin na ako lang mg-isa ang sumusuporta. Basta ipagkatiwala lang ang lahat kay God at lakasan ang loob, kong ang purpose mo pagabroad ay para sa kabutihan ng pamilya mo mgfocus ka lng sa pamilya mo tiyak lahat ng minimithi mo ay makukuha mo.. "KUNG KAYA NG IBA, KAKAYANIN MO RIN" godbless po stin mga ka-ofw
Sa mga gustong rin sumubok mangibang bansa ang masasabi ko lng lakasan lang ang loob at kailangan buo ang pananalig sa diyos, gawing inspirasyon ang pamilyang iniwan sa pinas. Ang skin kasi lumakas lng tlga ang loob ko dahil sa pinagdadaanan nmin sa buhay as in wlang wla tlga kami kasi namatay ang tatay ko nong 15yrs old lng ako kaya highskol lng ang natapos ko. Mga kamag anakan nmin halos di nga kami kilala, ayaw nila kaming pautangin or pahiramin kasi laging sagot nila saan kami kukuha ng ipapambayad nmin sa knila, sabayan pa ng maaga kong pgaasawa at maagang pgkawala ng asawa ko kaya as in naging mesirable ang buhay ko noon pero lagi kong iniisip na may ibang purpose si God skin. Tanging nanay ko lamang ang nakaagapay ko sa up and down na pinagdaanan ko.
This prank will make your day! BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh