Aiko Melendez may ibinunyag tungkol sa 'pagpapakasal sa pangatlong pagkakataon'

Aiko Melendez may ibinunyag tungkol sa 'pagpapakasal sa pangatlong pagkakataon'

- May relasyon ngayon si Aiko Melendez sa Subic mayor Jay Khongun

- Hindi raw takot ang aktres magpakasal muli sa ikatlong beses

- Bumuwelta siya nang todo laban sa mga bumabatikos sa relasyon niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw takot na magpakasal sa pangatlong pagkakataon ang aktres na si Aiko Melendez.

Alinsunod ito sa mga posting niya kung saan inaamin niya ang kanyang previous "failed marriages" at ang kung anong meron siya ngayon kasama si Subic mayor Jay Khongun.

Nakita ng KAMI ang sabi ng aktres, "It comes in 3 ako na next .... Pustahan tayo ang dami nanaman hanash ng mga trolls. Pwedeng nagagandahan ako sa royal wedding.

“I'm sure you also get that feeling of wanting to walk down the aisle wearing the gown that you love. And that's exactly how im feeling right now.

“And parang feeling ko mababasa ko na naman pangatlo ko na to and all, eh di kayo na ang perfect.

“Again di nyo naman alam ang buong story why it ended.”

Nagpost siya ng ganito habang nagpapahayag ng pagkabighani sa fairy tale love story nina Prince Harry at Meghan Markle.

Siyempre kasabay ng post na ito ng aktres, bumuwelta siya uli sa mga detractors niya.

"Ang importante is ung ngayon, Present... Life is too short to dwell on negative things.

“Life is about becoming a better individual after every fall...

“At ang pinaka mahalaga, di ako nagpabaya bilang ina sa mga anak ko.

"Maayos ang buhay ng mga anak ko. At napapalaki ko sila ng maayos na bata.

“So to sum up this post, happy ako sa mga kinakasal, parang ang sarap talaga magmahal.

"Kaya relax lang kayo sa kakapuna sa akin."

Matatandaang dalawang beses nang nagpakasal si Aiko Melendez.

Una ay sa aktor na si Jomari Yllana, noong December 16, 1996 ngunit naghiwalay sila noong 2001.

Nagpakasal siyang muli kay Martin Jickain noon 2006 ngunit naghiwalay din ang dalawa noong 2010.

Ngayon, binibigyan ni Aiko ang sarili ng chance na humarap muli sa altar kasama ang present na nobyo.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Dayuhan, napaluha nang maisauli ang pitaka niyang may lamang ₱600,000

Dayuhan, napaluha nang maisauli ang pitaka niyang may lamang ₱600,000

Dayuhan, napaluha nang maisauli ang pitaka niyang may lamang ₱600,000
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel