Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night

- Dumalo si Kris Aquino at Herbert Bautista sa premiere night ng A Trilogy of Love Stories

- Si Boy Abunda andun din kasi nga yung premiere ay Joy Belmonte and Boy Abunda Originals

- Hindi raw nagpansinan ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Kris Aquino at Boy Abunda ay matagal nang magkaibigan at sa harap ng camera, kanila laging dinedeklara ang pagmamahal sa isa't isa.

Ngunit tila nasusubukan ang relasyon ng dalawa dahil sa isang event, hindi raw nagpansinan si Tetay at Boy.

Nalaman ng KAMI na ang dalawa ay nandoon sa premiere night ng Joy Belmonte and Boy Abunda Originals present "A Trilogy of Love Stories."

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night (Photo: philnews)

Ito'y naganap sa Trinoma noong Huwebes.

Ayon sa Abante, hindi raw napansin ni Tito Boy na andun din sina Kris at Bistek kung kaya't di rin nakapagbati ang dalawa sa isa't-isa.

Sabi ng isang source daw na malapit sa King of Talk, wala raw dedmahan pero hindi lang daw talaga nagtagpo ang dalaw.

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night (Photo: pep)

"Nu’ng dumaan si Kris sa Cinema 6 kung saan showing ang trilogy. I think nagmamadali rin si Kris papuntang Cinema 7 kasi manonood siya ng ‘Kasal’."

Nilinaw pa niya an di niya alam kung nag-uusap pa ang dalawa kasi nga pareho talaga busy.

"Hindi kita sino-showbiz kapatid ha. Pero kilala ko ang dalawang ‘yan. Kahit 10 years pa silang hindi magkikita or mag-uusap, alam kong mahal na mahal nila ang isat isa,” sabi ng source.

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night

Kris Aquino at Boy Abunda hindi raw nagpansinan sa isang premiere night (Photo; philnews)

Si Boy Abunda ay dating manager ni Kris Aquino lalo na sa mga commercials.

Ngayon, lumipat na ng agency si Kris at under na siya sa Cornerstone Entertainment Inc.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel