Cesar Montano nag-resign na sa DOT

Cesar Montano nag-resign na sa DOT

- Nagbitiw na si Cesar Montano bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board

- Inihain na niya ang kanyang resignation letter at ito'y natanggap na ng Malacañang

- Sa resignation letter ng aktor, hindi siya nagbigay ng dahilan ng kanyang pagbibitiw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghain na ng courtesy resignation letter ang aktor na si Cesar Montano. Opisyal na ngang nagbitiw si Buboy bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board.

Nalaman ng KAMI na ang kanyang resignation letter ay tinanggap ng special assistant to the president, Bong Go.

Bagamat hindi nagpahayag ang aktor ng dahilan ng pagre-resign, naireport sa PEP na may malaking posibilidad na ito ay kaugnay sa mga kontrobersiyang hinaharap ng aktor.

Mauugnay ito sa Buhay Carinderia na proyekto ng TPB, na saad sa report ay umabot sa P320 million ang budget.

Nang maupo ang bagong DOT secretary na si Bernadette Romulo-Puyat, ipinag-utos niya na imbestigahan ng COA ang mga proyektong inilunsad ng TPB.

Sa kasalukuyan may P80 million na nailabas na tseke para sa naturang Buhay Carinderia.

Cesar Montano nag-resign na sa DOT

Cesar Montano nag-resign na sa DOT (Photo: rappler)

Nang kausapin daw umano ni Se. Puyat si Cesar upang magpaliwanag kung bakit walang public bidding na naganap, in good faith daw ito, sabi ng aktor.

Aabangan na lang ng lahat kung ano ang mga susunod na hakbang ng aktor.

Tinanggap na raw ng Presidente ang kanyang resignation.

Si Cesar Montano ay isa sa mga action stars sa Pilipinas.

Asawa niya ang sikat na aktres na si Sunshine Cruz at may tatlong anak silang dalawa.

Hindi na nagsasama ang dalawa at ang annulment ng kasal nila ay nasa korte na.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel