Ginalingan talaga! Audition video ni Barbie Imperial para sa role na Michelle sa 'Araw Gabi'

Ginalingan talaga! Audition video ni Barbie Imperial para sa role na Michelle sa 'Araw Gabi'

- Lumabas ang audition video ni Barbie Imperial para sa role na Michelle sa 'Araw Gabi'

- Kitang-kita sa video na talaga namang pinaghandaan at pinaghirapan niya ito

- Para sa maraming netizens, tama ang pagkakapili kay Barbie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkakaalaman na kung paano nasungkit ni Barbie Imperial ang kanyang role sa 'Araw Gabi' kung saan katambal niya si JM de Guzman.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang audition video niya at sa ngayon ay meron ng halos 700,000 views.

Makikita sa video na ito mula sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ang mga ginawa ni Barbie sa kanyang audition video. Sa unang part ng video ay nagpakita siya ng kanyang dance skills at pagkatapos nito ay may intense na eksena kasama si Ian Batherson na isang finalist sa 5th Season ng StarStruck.

Watch the video below:

Maraming netizens ang nagsabi na deserve ni Barbie ang role niya sa 'Araw Gabi'. May mga nakapuna din na mas mapayat na siya ngayon kumpara sa kanyang audition video. Sa tingin daw nila ay mas bagay sa aktres ang dati niyang katawan na hindi masyadong payat.

Read some of the comments from netizens below:

"Gandang bata"

"Good choice direk sa pag pili kay Barbie! Bagay sa kanya ang role at bagay sila ni JM!"

"PARANG AUDITION FOR SHAMPOO COMMERCIAL E HAHAHAHAHAH LABYU BARBIEEEE"

"Batang Coleen Garcia mas gusto q gnito ktwan nya. Deserved ni barbie ang role nato. Congrats bie"

"Perfect role for Michelle!!!! I'd read the novel way back when i was in highschool and I see Barbie fitted for the role-- sweet face and pure innocence"

Si JM de Guzman at Barbie Imperial ay mapapanood sa bagong daytime series ng ABS-CBN na "Araw Gabi." Si Barbie ay ang rumored girlfriend ni Paul Salas na kamakailan lang ay opisyal ng lumipat sa Kapuso network.

Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "Boom Boom". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. This prank will make your day! Just feel it, bboom bboom…

BBOOM BBOOM Dancing Challenge - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel