Ibang level ang hugot nito! Pera sa kalsada, imbis na kunin dinagdagan pa

Ibang level ang hugot nito! Pera sa kalsada, imbis na kunin dinagdagan pa

- Kakaiba ang reaksyon at may kasama pang hugot ang netizen na ito na nakakita ng 50PHP sa kalsada

- Imbis na pulutin ang pera, dinagdagan pa ito ng isa pang 50PHP sa kadahilanang alam daw niya ang pakiramdam ng nag-iisa

- Isa pang netizen ang gumawa ng ganito kung saan 500 piso naman daw ang nakita at nilagyan ng 500 piso sa tabi nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May kasabihan ngang 'Finders keepers' nna ang ibig sabihin kung may nakita kang bagay at wala namang may-ari, aangkinin mo na ito.

Lalo pa kung ang usapan ay pera. Madalas kung may makita ka nito at wala namang umaamin na may-ari, kukunin mo na ito.

Ngunit kakaiba ang ginawa ng isang netizen na nagngangalang Nicole Deveyra LaTorre na nakakita raw ng 50PHP sa kalsada at imbis na kunin ito, naglagay pa muli siya ng isa pang 50PHP sa tabi nito.

Nalaman ng KAMI na kaya raw ginawa ito ni Nicole dahil sa isang matinding hugot niya na alam daw niya ang pakiramdam ng nag-iisa.

Nag-iisa daw kasi sa kalsada ang 50php kaya nilagyan niya ito ng isa pang 50php pa raw may kasama ito.

Ang nakakatuwa pa, maraming netizen ang naka-relate sa hugot niyang ito.

Ayon pa sa KickerDaily, may gumawa rin na isa pang netizen na katulad din ni Nicole, hindi kinuha ang perang nakita kundi nilagyan ng isa pa.

Ito naman ay nai-post ng FB page na batang Pinoy. Sa larawan, di lang 50 PHP ang pera kundi 500 PHP.

Likas na sa mga Pilipino ang pagiging masayahin at malkhain.

Kaya sa panahon ngayon na napakaraming hugot tungkol sa ating buhay, pati pera nagawan na rin natin ng hugot.

Are you ready to see something crazy? BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel