Nakapagpatawaran na! Donita Rose, wala na daw hinanakit sa dating asawa

Nakapagpatawaran na! Donita Rose, wala na daw hinanakit sa dating asawa

- Ganap nang napatawad ni Donita Rose ang dating asawang si Eric Villarama

- Labis daw itong ikinatuwa ng anak nilang si JP

- Ayon pa kay Donita, mas nakakapag-usap daw sila ng dating asawa nang walang samaan ng loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng aktres na si Donita Rose na nagkaayos na sila ng dati niyang asawang si Eric Villarama. Ayon pa sa kanya, sobrang ikinatuwa ito ng kaniang anak na si Joshua Paul o mas kilala bilang si JP.

Ayon pa sa aktres, nakapaghingian sila ng kapatawaran dati pa ngunit mayroon pa din daw mga dumating na mga isyu na naging dahilan ng kanilang tampuhan.

“Throughout the years, after the breakup, we would say sorry to each other,” saad ni Donita.

“Pero parang... alam mo yung sincere ako, 'tapos may hirit na naman siya.

“'Tapos, may mood siya.

“Itong recently lang, yung Valentine’s, exactly lang Valentine’s Day.

“I guested on Magandang Buhay, February 13.

“Iyong topic was Valentine’s Day.

“'Tapos, they asked, ‘O, kumusta na ang love life mo?’ Ganyan-ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Ay, naku! Walang love life!

“Then I remembered, nung Valentine’s Day three years ago, doon ko siya nahuli na may babae.

“That’s another long story.”

Sinabi pa daw niya na lubusan na niyang napatawad ang dating asawa tatlong taon ang makalipas ngunit alam daw niya sa puso niya na hindi pa 100 percent.

Kwento ni Donita, tuluyan niyang napatawad ang dating asawa dahil sa isang assignment ng anak nila na naging tulay ng kanilang masinsinang pag-uusap.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa tuition fee ng kanilang anak na naging isa sa mga dahilan ng kanilang tampuhan. Dito na rin humingi ng tawad ang dating asawa sa kanyang pagkukulang at mga masasakit na sinabi sa kanya.

Kuwento ni Donita, “Sabi pa niya, ‘You know, I wanna say sorry for everything that I’ve ever done to you.’

“It was like the first time na siya yung [nag-initiate]."

“He said, ‘You know, I wanna say sorry. Kasi, alam ko, naging issue ‘to six months ago... 'tapos, I remember I said this to you.’

“He repeated some hurtful things. And then he said, ‘I wanna apologize for saying those things.’

Dito na daw umiyak si Donita kasi akala niya hindi alam ng dating asawa na hindi tama ang kanyang mga ginawa.

“'Tapos, umiyak na ako.

“Kasi naalala pala niya, at alam pala niya na wala sa lugar yung sinabi niya.

“'Tapos, the next day, nung 14th, sabi niya, ‘Alam mo, after our conversation last night, I feel so happy,’ sabi niya.

Nakilala si Donita Rose bilang isa sa mga atistang naging bahagi ng That's Entertainment. Naging karelasyon niya ang isa sa mga kasama niya sa show na si Gary Estrada. Nakilala niya ang naging asawa niyang si Eric Villarama noong 2001 at ikinasala sila sa California noong 2003. Ipinanganak niya ang kanilang anak na si JP noong 2004 hanggang napabalitang naghiwalay sila noong 2015.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

https://www.youtube.com/channel/UCJQS8oMQhWqhbkhIsBBytcQ

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father

May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father

May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel