Pagbati ni Jinkee Pacquiao sa bagong kasal na si Prince Harry, binatikos ng ilang netizens

Pagbati ni Jinkee Pacquiao sa bagong kasal na si Prince Harry, binatikos ng ilang netizens

- Sa kanyang instagram, binahagi ni Jinkee Pacquiao ang larawan niya na kasama ang asawa at si Prince Harry

- Ito ay kasama ng pagbati niya sa bagong kasal na prinsipe na para sa ilang netizens ay pinagyayabang ni Jinkee

- Inakala ng ibang netizens bisita ang mag-asawang sina Jinkee at Sen. Manny Pacquiao sa kasal nina Meghan Markle at Prince Harry kaya nagtaka ang ilan sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpabatid ng 'Congratulations' ang asawa ng boxing Senator Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa bagong kasal na si Prince Harry at Meghan Markle.

Isang larawan ang binahagi ni Jinkee sa kanyang instagram kung saan kasama nilang mag-asawa si prince Harry.

Nalaman ng KAMI na ayon sa post na ito ni Jinkee, kasalukuyan siya noong nanonood ng live streaming sa Facebook habang ginawa niya ang pagbati.

Nilagay din niya ang hashtag na #2014pic na ibig sabihin kuha pa ito ng taong iyon.

Tila ang ilang netizens ay di nabasa ang mga 'caption' na ito ata agad naisip na sina Manny at Jinkee ay mismong mga bisita ng Royal family para sa kasal ni Prince Harry.

Ang ilan naman sa kanyang followers ay 'nayayabangan' daw sa post na ito ni Jinkee.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"These two people ay NAPAGHAHALATAAN. ki haba haba ng mga pinagssabe. mga peps wala kayong pakialam kung anu gusto niya e post kasi IG niya to. kung sa tingin niyo nayayabangan kayo,then stop stalking her IG. Nayayabangan kayo? well, sorry kasi may ipagmmayabang naman tlga."

"2014 pa yn medyo marami marami p buhok ni prince Harry now upaw na pro pogi p dn"

"Wow nagpunta pala kayo"

"hindi sila pumunta,,2014 pic yan,,dinner with prince"

"Pwede naman i Personal Message si prince Harry kun i wiwish ng luck sa kasal.. La lang"

"ang daming bitter grabe nakakamatay ang inggit go Jinky wala kang ginagawa masama sadyang may mga inggitera lang"

Makikita rin sa larawan na binigyan ni Manny ng signatured boxing gloves niya si Prince Harry nang minsang naimbitahan silang mag-asawa sa isang courtesy call mula sa palasyo.

Ayon pa sa post ni Jinkee, isa itong dinner na naganap sa Buckingham palace noong taong 2014.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel