Masama daw siyang ina! Sharon Cuneta, beast mode sa mga masasamang komento sa kanyang pagiging ina

Masama daw siyang ina! Sharon Cuneta, beast mode sa mga masasamang komento sa kanyang pagiging ina

- Di napigilan ni Sharon Cuneta na umalma sa mga masasamang sinabi sa kanya ng mga netizens

- Pinaratangan siyang masamang ina ng ilan sa mga netizens

- Isang taong hindi niya pinangalanan ang tinira niya dahil sa kawalan di umano ng utang na loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di napigilang magalit ng Mega Star na si Sharon Cuneta sa naging komento ng ilang netizens sa isang Instagram post niya. Pinaratangan siyang isang masamang ina at kung anu-anong pang-iinsulto pa ang kanyang inabot.

“Eh napakasama ko pala eh sino ang tanga? 1.) Bakit ako pinakasalan? 2.) Bakit ilang taon na kaming hiwalay binabalikan pa ako? Huwag tanga. Kunin muna ang facts. Hindi yung nakikigawa pa ng kasinungalingan makasira lang ng kapwa,” aniya.

Sa throwback video ng kanyang concert, kung saan kasama niya ang anak na si KC Concepcion na batang-bata pa, may mga bashers na tila malaki ang galit sa kanya. Base sa mga komento ng mega star, mga fan sila ng isang taong minsan na rin naging bahagi ng buhay niya.

.Ang paniwala ng mga netizens, ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion ang tinutukoy nito.

Narito ang ilan pa sa mga naging sagot ni Sharon.

Masama daw siyang ina! Sharon Cuneta, beast mode sa mga masasamang komento sa kanyang pagiging ina

Image courtesy of Instagram: reallysharoncuneta

“Ayun – isang napakagandang dalaga na may degree mula sa Paris, intelehente at may class,” na ang tinutukoy nga ay si KC. Dugtong pa niya, “Sana lang magpasalamat man lang sa akin kasi di ko siya sinira at di ko binrainwash ang anak ko na i-hate siya o di siya respetuhin.”

Ipinaliwanag din niya kung bakit niya mas piniling umalis.

“Ano ba ang galit niyo at NIYA sa akin? Wala akong ginawang masama sa kanya. Ako ang umalis pero my heart was torn into pieces kasi parang tinapon ang puso at kaluluwa ko. Tama na. Nandiyan na ang bago niyang pamilya. Nandito na rin ang akin. Masaya ako. Masaya siya di ba? Bakit ang bitter niyo? Enough is enough.”

Naging kontrobersiyal ang muling pagsasama ni Sharon Cuneta at ex-husband na si Gabby Concepcion sa isang TV commercial. Naging daan din ito upang mabuo ang plano ng kanilang reunion movie ngunit hindi din ito natuloy.

This is What Philippine Women Desire in 2018- on HumanMeter

What is your ideal male body type? Check out this video to see which body type is loved by most women

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian clarifies why Dingdong won’t be running for public office in 2019

Marian clarifies why Dingdong won’t be running for public office in 2019

Marian clarifies why Dingdong won’t be running for public office in 2019
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel