Nagtiis at nagtiyaga! Neri Naig, may matinding rebelasyon ukol sa mga tiniis niya noon para kay Chito Miranda

Nagtiis at nagtiyaga! Neri Naig, may matinding rebelasyon ukol sa mga tiniis niya noon para kay Chito Miranda

- Buong tapang na inamin ni Neri Naig ang pagiging martyr niya noon kay Chito Miranda

- Hindi pala biro ang mga pinagdaanan niya dati

- Ibinahagi din niya kung paano niya ito nalampasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May mga matinding rebelasyon si Neri Naig patungkol sa mga pinagdaanan niya noong mga panahong maraming umaaligid na babae kay Chito Miranda.

Nalaman ng KAMI na inamin ni Neri na siya ay talagang nagpaka-martyr ng husto at ibinahagi din niya kung paano niya ito hinandle at nalampasan.

Ayon sa ulat ng PUSH, may pinost si Neri na isang mahabang blog patungkol sa mga panahong nambabae si Chito noong hindi pa sila kasal.

"Pinost ko 'to sa Instagram Stories ko, at ang daming nagmessage sa akin kase nakaka relate sila at napakarami na nilang katanungan.

"Kaya naisipan kong sumulat sa aking blog. At i-share ko ang mga pinagdaanan ko sa kalandian noon ni Chito at kung paano ko na-handle lahat yun, hehe!

"Hindi kase ako ganun, yung nakikipag flirt sa iba, sa asawa ko lang ako malandi, hehe, pero sa iba, wala talaga. Walang malisya, walang libog (sorry for the term kung may mga batang nagbabasa nito at nagugulat sa mga words ko pero nagpapakahonest lang po ako), as in wala. Medyo mataray ako sa mga lalaki. Kilalang kilala ako ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko pag dating sa mga lalaki. Akala mo kung sino kung umasta, hindi naman kagandahan at wala namang kaseksihan sa katawan. Hahahaha!"

Nagbigay din siya ng advice sa kanyang followers na sa halip na pilitin na magbago ang partner, ay pakitaan pa ito ng kabutihan.

"Ganito kase yun. Nung mag boyfriend girlfriend kami ni Chito. Ganyang ganyan ako. Pa-martyr effect pero alas ko yun. Alas ng tao ang pagiging mabait. Malayo ang mararating mo kapag mabait sa kapwa tao mo. Lokohin ka man nila, ang importante hindi ikaw yung nagloko at hindi ka gumanti. Anyway, minahal ko si Chito ng buong buo kahit na alam kong malandi siya. Kase malandi naman talaga siya bago niya ako nakilala, likas na sa kanya yun. Hindi ko rin siya sinabihan na magbago siya dahil kami na o yung mga linya ng iba na, ‘kung talagang mahal mo ako, magbabago ka na.’ No, never kong sinabi yun sa kanya. Pero di ko rin naman maikakaila na umasa ako na magbabago siya kung talagang mahal niya ako. Sa akin na lang yun, kinipkip ko lang yun. Sinulat sa journal ko. Oh by the way, malaking tulong ang journal, try mo.

"Anyway, san na ba tayo? Ang dami ko kasing commercial, hehe! Ah! Yung di sasabihan na dapat magbago. Yun nga. The end. Bow. Joke lang, tinatry ko lang kung andyan ka pa rin at nagbabasa, hahaha!

"Aminado naman si Chito na ang bait bait ko nga daw nun, hanggang ngayon pa rin naman ha, haha! Kaso tine-take for granted niya ako dati. Kase alam niya na andyan lang ako, hindi aalis at mahal na mahal ko siya. Kumbaga alam niya siya lang buhay ko nun, sa kanya lang umiikot sa mundo ko. Hinayaan ko lang siya. Masakit, oo, napaka sakit na ganun ka i-trato ng mahal mo. Parang sinaksak puso mo tapos dinurog durog. May mga times pa nga na sa sobrang sakit, parang kalat kalat na yung puso ko sa sobrang durog? Napakababa ng self esteem ko nun."

Nag-focus din daw siya sa kanyang sarili para bumalik ang confidence niya at mag-improve pa sa maraming bagay.

"Ano bang ginawa ko noon nung walang wala na akong confidence dahil sa pinag gagawa ni Chito na kalokohan nun? Nag aral ako. Nag aral pa nga ako ng languages. Nag aral ako ng Nihonggo at French kahit di ko na maalala mga pinag aralan ko ngayon, haha! Props lang pala! Wahahahaha! Pinagsabay ko yun! Nihonggo sa umaga, French sa hapon. MWF yung schedule ko nun. Sakit ng ulo ko nun. Pero ok lang yung sakit ng ulo ko kase natututo naman ako nung mga panahon na yun kaysa naman masakit ulo ko kakaisip sa mga kalokohan ng boyfriend ko. Saka bumili ako ng sangkatutak na libro. Nagbasa ako. Binasa ko yung World History, hahaha! Saka Ethics, yung iba’t ibang relihiyon. Saka how to improve yourself books. Binasa ko talaga yung mga ganung libro.

"…Unti unti nag-gain ang confidence ko. Kase ang dami kong natutunan sa mga libro at busy ako kaka aral ng kung anu ano. Aba baka yung nilalandi ng boyfriend mo o ng asawa mo eh hindi niya alam yung importance ng World History. Baka ang alam niya lang ay yung iba’t ibang alak sa bar o sa grocery stores. Sabagay ok din maging connoisseur, di ba? Ayun kung alam niya ang salitang connoisseur at alam ang spelling nito, hehe! Anyway, kapag maraming laman ang utak mo, iba yung confidence mo, iba ang aura mo, iba ang tindig mo. At dun mapapa second look si boyfriend o hubby sayo. Sasabihin niya, parang may kakaiba sayo in a good way of course. Tapos makikita na niya ulit kung gaano ka kaganda, kabait, kaalaga, kung gaano siya kaswerte kase ikaw ang girlfriend o asawa niya."

Inamin naman niya na dumating din siya sa puntong napagod na siya kaya kinausap niya si Chito at sinabing baka hindi talaga sila para sa isa't-isa. Pero hindi niya ine-expect na ito ang kalalabasan.

"Ilang years din akong nagpakamartyr pero dumating din yung tamang panahon na naglakas loob akong sabihin sa kanya na hindi ko na kaya, na mukhang di talaga magwowork yung relationship namin, na talagang hindi kami para sa isa't isa. Never ko pa ring in-ask sa kanya na magbago siya para sa relationship namin, para sa amin, para sa akin. Hindi talaga. Kase gusto ko na gawin niya yun para sa kanya at gawin niya yun ng kusa kase gusto niya, kase hindi niya akong kayang pakawalan, kase nga mahal na mahal niya ako.

"Wag kayong mag alala kung masabi nyo man sa kanila na tama na, di mo na kaya, tapos parang wala lang sa kanila? Mukhang ok lang sila? Eh ako nga nung oras na sinabi ko yun kay Chito, sabi niya, ‘OK! Great! Ide-date ko lahat ng girls na gusto ko ngayong gabi mismo.’ Sabay kuha ng phone, may mga tinext, may mga tinawagan. Ang dami agad sumagot! Abang abang agad mga ate? Iba din di ba? Hahaha! Wala pang isang oras, umalis na siya, sinundo na si girl number 1. By schedule ata ang mga date niya. Una muna siguro yung malapit lang sa bahay niya. Ano yan parang mall tour lang? Una yung Metro Manila lang tapos palayo na ng palayo? Hay naku. Hahaha! Ni hindi man lang napahaba yung emote ko, di ba? Gago no? Wala man lang, ‘Neri, sige ta-try kong maging good boyfriend para mag work ang relationship natin.’ Wala. Nagdiwang pa nga ata ang gago. Sira ulo yun! Gago talaga! Hahaha!

"…Anyway, habang ako ay nagliligpit na ng mga isang katutak na mga libro na pinagbibili ko noon, mga dalawang balikbayan boxes din yun, kaloka! Hahaha! Tapos konting emote on the side. Patugtog ng pampaiyak playlist. Pinatugtog ko nga yung kanta ng Parokya na ‘Halaga’. Tado yun, kakanta kanta ng ganun eh girlfriend niya, lugmok na sa kakaiyak, hahaha! Tapos pahinga, tapos ligpit ulit, tapos iyak konti, tapos pili ng song na tagos sa puso at kaluluwa. Actually, dinedelay ko lang siguro yung pagligpit ko ng mga gamit na baka sakaling bumalik siya at magsorry at magpromise na magbabago.

"After an hour or less, may narinig akong kotse na huminto sa tapat ng gate. Tapos may footsteps akong narinig na mabigat at nagmamadali papunta sa kwarto. Binuksan ang pinto, si Chito bumalik! Umiiyak. Yes umiiyak siya nun. Niyakap ako ng mahigpit. Humihingi ng tawad. Ang tanga tanga niya daw kung papakawalan niya ako. Nasa kanya na daw yung babaeng pinapangarap niya tapos tine-take for granted niya pa. Hindi na daw niya natapos yung alak na inorder niya kasama ni girl number 1, nagsorry na lang siya kay girl number 1 na kailangan na niyang umuwi at puntahan si Neri kase ayaw niya daw na maramdaman ko na hindi niya ako mahal. Nagpromise siya na hinding hindi na niya ako sasaktan, na hinding hindi na siya mambabae. Nagpromise din daw siya kay God.

"…Kung lahat na ay ginawa mo, minahal mo, inalagaan mo, nirespeto mo pero niloloko ka pa rin, at ang masama pa nito ay kung sinasaktan ka na niya physically, di na tama yun. Di ko na kailangang sabihin sayo na ‘TAMA NA. MAHALIN MO NA ANG SARILI MO.’ Basta kapag magmahal ka, wag mong isusumbat sa kanya lahaaaaaaat ng ginagawa mo para sa kaniya kase dapat siya mismo ang makakakita nun. Kapag malabong makita niya ang worth mo bilang isang babae at bilang isang tao, it’s time to move on."

Bago tinapos ni Neri ang kanyang blog ay binigyang diin niya na importante ang pagmamahal sa sarili o self-love.

Kinasal sina Chito Miranda at Neri Naig noong 2014, ang una ay isang civil wedding na ginanap noong December 13 at kinabukasan ay sinundan ng isang formal wedding sa Tagaytay.

Noong August 2015, nakunan si Neri na labis na ikinalungkot ng mag-asawa. Ipinanganak ang panganay nilang si Alfonso "Miggy" noong November 23, 2016.

Workout at work, really? Yes! We are sure, that there are no wrong places for workouts for those ladies who want to keep in shape. And even a workplace can be transformed into the gym. In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work.

3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystall? - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel