Nanggigil! Maine Mendoza, hinalikan habang hawak sa leeg ng isang wild na fan

Nanggigil! Maine Mendoza, hinalikan habang hawak sa leeg ng isang wild na fan

- Muntik nang matumba si Maine Mendoza dahil sa isang fan

- Hinalikan siya at hinawakan sa leeg ng nasabing fan habang live na kinukunan ang Eat Bulaga

- Nakaranas din masuntok si Maine sa nasabing segment ng noontime show na talaga namang nag trending

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muntik nang mawalan ng kontrol ng kanyang balanse si Maine Mendoza nang sugurin siya ng isang fan at hinalikan siya. Hinawakan din daw siya sa leeg nito.

Sa May 16 episode ng Eat Bulaga, nasa isang barangay sa Tondo, Manila sina Maine, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola para sa Juan for All, All for Juan segment ng programa.

Walang ibang nasabi si Maine kundi "Grabe!" habang isinalarawan ni Allan K ang fan bilang "wild."

Pagkatapos ng insidente, itinuloy nina Maine at iba pang mga host ang pag-interview sa winner ng nasabing segment.

Noong March 1, matatandaang nasuntok si Maine sa braso habang nasa location ng kanilang segment.

Nagsimula si Maine bilang internet celebrity at tinaguriang Dubsmash Queen. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng Eat Bulaga kung saan di sinasadyang nabuo ang AlDub tandem. Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga tao. Sa katunayan ilang beses na din silang nag trending sa social media worldwide dahil na rin sa kanilang tagasuporta na kung tawagin ay AlDub nation.

This is What Philippine Women Desire in 2018- on HumanMeter

What is your ideal male body type? Check out this video to see which body type is loved by most women

Source: Kami.com.ph

Related news
In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station

In the height of network transfer, Regine Velasquez bravely discloses the ‘number one’ TV station
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel