Barbie Imperial, may hugot sa taong paulit ulit daw siyang sinasaktan

Barbie Imperial, may hugot sa taong paulit ulit daw siyang sinasaktan

- Isa sa mainit na usap-usapan ng mga showbiz chikadora ngayon ang di umano'y hiwalayan nina Barbie Imperial at Paul Salas

- May mga nagsasabing ito ay para lamang daw mapag-usapan sila dahil na rin may teleserye ngayon si Barbie

- Lalong umigting ang usap-usapan nang mag post kamakailan si Barbie ng tila hugot sa kanyang karanasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan kamakailan lang ang di umano'y paghihiwalay ng real life sweethearts na sina Barbie Imperial at Paul Salas. Kilala silang vocal at showy ng kanilang feelings para sa isa't isa lalo na sa social media.

Naging mas kilala ngayon si Barbie dahil na rin sa pagiging isa sa lead stars ng pang hapong teleserye ng Kapamilya network na "Araw Gabi" kung saan katambal niya ang nagbabalik showbiz na si JM de Guzman.

Lalong umugong ang usap-usapan nang tuluyan nang lumipat sa Kapuso network si Paul. Siya ay nagsimula din sa GMA sa artista-reality show na Starstruck kaya parang nagbalik lang din siya.

Sa isang panayam, pabirong tinanong si Barbie ni JM. “Single ka naman ngayon, ‘di ba?” na sinagot naman niya ng “Inuunahan mo ako sa pag-announce, eh.”

Kaya naman binigyan ng kahulugan ng mga netizens ang isa sa mga mensaheng ibinahagi ng aktres sa Twitter. "Baka kaya hindi tayo masaya dahil mas inuuna nating mahalin yung mga taong paulit ulit tayong sinasaktan. Baka dapat mahalin naman natin sarili natin, bago yung iba."

Si Barbie ay nakilala bilang isa sa housemates sa Pinoy Big Brother. Matangkad, balingkinitan ang katawan, maganda at babaeng babae si Barbie kaya naman masasabing bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan.

This is What Philippine Women Desire in 2018- on HumanMeter

What is your ideal male body type? Check out this video to see which body type is loved by most women

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel