Diego Loyzaga, may buwelta sa mga bashers na di pa rin tumitigil; pagod na raw siya sa mga ignoranteng tao

Diego Loyzaga, may buwelta sa mga bashers na di pa rin tumitigil; pagod na raw siya sa mga ignoranteng tao

- Marami ang bumatikos kay Diego Loyzaga sa post nito na di umano ay nasa Boracay siya

- Ilang netizens ang nagsabi ang nagalit ang kimuwestiyon kumpano siya nakapasok doon na marahil ginamit niya ang koneksyon ng kanyang ama na si Cesar Montano

- Tila di tinanggap ng mga netizens ang paliwanag ni Diego na throwback photo ito, dahilan para siya ay patuloy na mabatikos na ikinagit na ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di pa rin tinantanan si Diego Loyzaga ng ilang netizens dahil sa kontrobersyal niyang larawan sa Boracay kasama ang ilang kaibigan.

Nalaman ng KAMI na naglabas na ng pahayag ang Kapamilya aktor na nagsasabing throwback picture lamang ito, bagay na di tinaggap ng ilang netizen at patuliy siyang binatikos dahil sarado ang isla dahil ito ay nililinis sa loob ng anim na buwan.

Sa kanyang instagram post noong Mayo 19, pinakita niya ang screenshot ng ilang netizen na inaakusahan siya na may 'special treatment' dahil sa nakapasok siya sa isla kahit na ito ay pinasara sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte.

Muli, binigyang diin ng batang aktor na ang larawan ay kuha noon pang Abril 1, ilang linggo bago pinasara ang Boracay noong Abril 26.

Isa kasi sa tinitingnang anggulo ng mga netizen ay ang ama ni Diego na si Cesar Montano na Chief Operating Officer of the Tourism Promotions Board.

Samantala, sa kanyang twitter account, mas ibinulalas ni Diego ang kanyang nararamdaman sa mga taong lagi na lamang nakatingin sa bwat kilos niya.

Aniya, di daw siya kikilos na ayon sa kung ano ang dapat na magandang imahe bilang artista.

Kaya naman di raw siya nagtataka kumbakit ang ilang artista at nakakraranas ng depresyon.

Sunod sunod ang mga issue na kinasangkuta ni Diego kamakailan.

Isa na rin dito ang larawan niya kung saan may kasama siyang ibang babae na hindi si Sofia Andres na kanyang ka-love team.

Binigyang linaw naman ng aktor na wala naman silang relasyon ni Sofia at may boyfriend naman daw ito.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel