TNT boys, ginulat ang manonood sa kanilang pag-rap, ngunit mas gustong gumaya ng 'girl group' sa YFSFK

TNT boys, ginulat ang manonood sa kanilang pag-rap, ngunit mas gustong gumaya ng 'girl group' sa YFSFK

- Ginulat ng TNT boys ang kanilang manonod nang bigla silang mag-rap sa your face sounds familiar kids

- Ang isa sa mga judges na si Sharon Cuneta ay napatayo pa pagpasok pa lang ng grupo sa sobrang tuwa

- Pero inamin ng TNT boys na mas gusto sana nilang gumaya ng girl group kaysa mag-rap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pangatlong linggo ng Your face sounds familiar kids, ginaya ng TNT boys ang hip-hop group ng early 2000 ang Salbakuta.

Nalaman ng KAMI na marami ang nagulat nang biglang nag-rap ang TNT boys na madalas Ballads ang mga kinakanta.

Ayon sa ABS-CBN news, pagpasok pa lang ng grupo talagang napatayo si Megastar Sharon Cuneta sa pagkamangha sa tatlo.

Sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, and Kiefer Sanchez ay nagsuot ng mga ball caps, malalaking jersey at maluluwag na pantalon at shorts para mas lalo nilang maging kamukha ang Salbakuta.

Walang humpay ang hiyawan sa studio habang sila ay ay kumakanta at nagra-rap ng 'Stupid Love.'

Samantala, bagaman at napakagaling ng kanilang pagra-rap at paggaya sa Salbakuta, inamin ng TNT boys na mas gusto sana nilang gumayo ng girl group.

Narito ang video ng kanilang performance na nakuha ng KAMI sa youtube.

Kaya naman ng pinaulit sa kanila ang 'Stupid Love' sa paraan na pang-TNT boys, di napigilan ni Francis na mag-ala Mariah Carey sa dulo na may kasamang birit.

At nang patugtugin ang kanta ng 2ne1 na dating korean group ni Sandara Park, di rin napigilan ni Francis na sayawin ito.

"Si Vendetta naging si Mariah Carey" komento ni Billy Crawfoed na siyang host ng YFSFK.

lalong naghagalpakan sa kakatawa ang mga manonood at maging ang mga hurado na sina Ogie Alcasid at Sharon.

"You [boys] make me so happy," komento ni Sharon.

"To be honest, hindi ko nagustuhan. Kasi sobra kong nagustuhan," ani Ogie na pinakaba ng kaunti ang grupo sa kanyang sinabi.

"Sobra kayong entertaining --ang gagaling kumanta, ang galing mag-entertain, grabe ang charisma. Congratulations!" dagdag pa ni Ogie.

Umaasa ang 3 na sana sa susunod na linggo, girl group naman ang kanilang gayahin at ito rin ang gustong makita ni Sharon sa 3 sa susunod nilang pagtatanghal.

Mapapanood ang Your face sounds familiar Kids sa Kapamilya network tuwing Sabado at Linggo.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel