Simple pero milyon ang halaga! Gown ni Meghan Markle tumataginting na 22 milyon pesos

Simple pero milyon ang halaga! Gown ni Meghan Markle tumataginting na 22 milyon pesos

- Kinasal na ang dating aktres na si Meghan Markle at Prince Harry, Sabado, Mayo 19 sa St. George Chapel sa Windsor, England

- Mapapansing napaka-simpleng tingnan ng kanyang wedding gown ngunit tumataginting na 22 milyon pesos pala ang halaga nito

- Para naman sa kanyang 'hair and make-up' umabot din ito ng nasa mahigit 700,000 pesos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang inabangan ng buong mundo ang pag-iisang dibdib nina Prince Harry at dating hollywood aktres na si Meghan Markle noong Sabado, Mayo 19 Sa St. George chapel sa Windsor, England.

Bukod sa mga kilala at prominenteng tao na dumalo, isa sa mga pinakaabangan ay ang wedding gown at syempre ang magiging ayos ng bride ni Prince Harry.

Nalaman ng KAMI na bagaman napaka-simple ng gown na sinuot ni Meghan tumataginting na $430,000 dollars ang halaga nito o PHP 22,450,945.

Ang eleganteng gown na ito ay gawa ng designer na si Claire Waight Keller ang unang babaeng artistic director ng Givenchy.

Ayon pa sa pep, mas lalong lumitaw ang kagandahan ni Meghan sa 'hair at make-up' niyang nagkakahalaga ng $14, 000 dollars o PHP746,624.

Ang Tiara na suot ni ng napaka-gandang bride ay mula sa Queen's collection na Queen Mary diamond tiara bandeau.

Ayon pa sa CNN, mismo si Queen Elizabeth ang nagpakita ng koleksyon kay Meghan at pinapili siya sa kung ano ang nais niyang gamitin sa napakahalagang araw niya ng pakikipag-isang dibdib kay Prince Harry.

Ang bagong Duchess of Sussex ay naglakad patungong altar mag-isa at siya ang kauna-unahang royal bride na gumawa nito.

Sa kalagitnaang ng bridal march, sinalubong si Meghan ni Prince Charles ngunit bago pa man siya makarating kay Prince Harry, bumalik na si Prince Charles habang si Meghan ay muling naglakad mag-isa patungo sa kanyang groom.

Samantala, ang pag-iisang dibdi na ito ni Prince Harry kay Meghan ay isang senyales ng pagiging moderno ng monarkiya ng Royal family ng England.

Si Meghan ay mula sa African-american na ina at Mexican na ama Kaya siya ang kauna-unahang 'biracial' na makakabilang sa Royal Family.

Ang Duchess of Sussex ay isa ring diborsyada kaya naman nabali na ang tradisyunal na sistema ng pagpapakasal ng Royal family.

Si Meghan din ang kauna-unahang magdadala ng pangalan na Duchess of Sussex.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila

Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila

Nakakapanindig-balahibo! Carla Abellana may nakakatakot na karanasan sa isang swing sa lumang bahay nila
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel