Jake Zyrus, inamin ang totoong dahilan kung bakit ayaw na niyang maka-duet si Celine Dion

Jake Zyrus, inamin ang totoong dahilan kung bakit ayaw na niyang maka-duet si Celine Dion

- Inamin ni Jake Zyrus ang totoong dahilan kung bakit tatanggi na siyang maka-duet si Celine Dion

- Muli kasing babalik ang Canadian hitmaker sa bansa sa darating na July

- Sinagot din niya ang tanong kung gusto ba niya makita si Celine sa nalalapit nitong concert

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-open si Jake Zyrus patungkol sa karanasan niya ng makasama sa stage si Celine Dion at ang posibilidad na maka-duet siya ulit.

Nalaman ng KAMI na hindi na gusto ni Jake na maka-duet ulit ang Canadian hitmaker.

Ayon sa ulat ng PEP, gusto kasi ni Jake na mabigyan ng pagkakataon ang iba pang bagong singers at ma-experience din nila ang kanyang karanasan noong nakasama niya si Celine.

"Kapag naiisip ko 'yon, ang dami kong nakikitang new belters out there, na sobrang nakikita ko yung bright future nila.

"Minsan nai-imagine ko kung ako yung nararamdaman ko noon, when I was that kid with a long hair, na to be on the same stage with Celine Dion, of course, gusto ko ng mai-share yung feeling na 'yon sa isang bata na maka-duet yung iniidolo nila. Kung ako ulit yung mapili, siyempre naman, sobrang I'll be grateful.

"Pero sa akin, hopefully, mabigyan din yung iba ng chance na maka-duet siya. Kasi, iba yung feeling and gusto ko i-share yung feeling na yun. Hindi lang yung sobrang magaling siyang singer, pero gusto ko ma-experience nila yung kabaitan niya bilang isang tao.

"Kung piliin niya ako, thank you. Pero ang biggest wish ko is sana mabigyan ng chance yung isang bata, a boy or a girl, na ma-experience yung treat na na-experience ko."

Watch the video below:

Maaalalang naka-duet ni Jake si Celine noong panahong dala pa niya ang pangalan na Charice. Nangyari ang unforgettable experience na 'yun sa buhay niya sa Madison Square Garden, New York noong taong 2008.

Ang sagot naman niya kung gusto pa niya ma-meet si Celine sa nalalapit na concert nito sa Pilipinas sa darating na July, "Kung saka-sakali pong may P25,000. Joke lang. Kung sakali pong mabigyan ng opportunity, gusto kong ma-update sa kanya. Hindi ko makakalimutan yung gesture niya sa akin, yun ang gusto kong iparating sa kanya.

"Yes, nag-duet kami pero hinding-hindi ko makakalimutan yung trato niya sa akin. Parang hindi ako ibang tao talaga, yun talaga ang hindi ko makakalimutan. At saka binigay niya talaga ang lahat, e. Kung tutuusin isang line lang talaga ang kinanta niya, di ba?

"Binigay niya talaga sa akin. Sabi ko, sino ang gagawa n'on. Sino ang singer na gagawa nun? Yung iba nagbibigay, sure. Pero siya binigay niya lahat, yun ang talagang hindi ko makakalimutan.

"Kung mayroon mang chance, kumanta o hindi, at least magkaroon ng chance na magpasalamat ako sa kanya, na in-inspire niya ako to be more grateful at to be more thankful sa mga taong loyal, to treat them well."

Si Jake Zyrus ay dating kilala bilang si Charice Pempengco. Sumikat ang rendition niya ng kantang Pyramid na kinanta ni Iyaz. Napasama din siya sa sikat na American TV series na Glee bilang si Sunshine Corazon.

Ang 'Music & Me' ay ang nalalapit na concert ni Jake na gaganapin sa SM Skydome sa darating na May 25.

Workout at work, really? Yes! We are sure, that there are no wrong places for workouts for those ladies who want to keep in shape. And even a workplace can be transformed into the gym. In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work.

3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystall? - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel