Royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, mas mahal pa ang ginastos kaysa kasal nina Prince William at Kate Middleton

Royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, mas mahal pa ang ginastos kaysa kasal nina Prince William at Kate Middleton

- Kinasal na sina Prince Harry at Meghan Markle nitong Sabado, May 19

- Inilabas na sa isang report kung magkano ang kabuuan ng nagastos sa kanilang royal wedding

- Mas mahal pa raw ito sa nagastos noong kasal nina Prince William at Kate Middleton

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pag sinabing "royal wedding" ine-expect na ng karamihan na ito ay isang magarbo at engrandeng okasyon.

Nalaman ng KAMI na inilabas na base sa isang report kung magkano ang nagastos sa kasalan nina Prince Harry at Meghan Markle, nitong Sabado, May 19.

Ayon sa ulat ng Business Insider, ang gastos sa kasal nila ay umabot sa $45.8 million o nasa PHP2.4 billion. Talagang pinagkagastusan ito, dahil hindi lang umabot ng milyon kundi bilyon sa pera natin. Ito raw ay base sa estimate ng U.K.-based wedding app na Bridebook.

Ayon pa sa PEP, mas malaki pa ang ginastos dito kumpara sa gastos ng kasal ng kapatid ni Prince Harry na si Prince William at Kate Middleton. Kinasal sina Prince William at Kate noong 2011 at umabot ang gastos sa $34 million o PHP1.8 billion.

Bakit nga ba umabot ng ganito kalaki ang nagastos? Base sa report, malaki ang napunta sa security noong araw ng kasal nila. Nagbayad daw ang royal family ng $43 million o PHP2.2 billion para sa proteksyon ng mga guests at pati ng publiko. Sa food and drinks naman para sa dalawang reception ay umabot ng $686,000 o PHP35.8 million.

Si Prince Harry ay ang pangalawang anak nina Prince Charles at Princess Diana. Nagsimula ang relasyon nina Prince Harry at Meghan Markle, na dating isang aktres, noong June 2016. Nag-release ang royal family ng kanilang official statement patungkol sa relasyon nila noong November 8, 2016.

Workout at work, really? Yes! We are sure, that there are no wrong places for workouts for those ladies who want to keep in shape. And even a workplace can be transformed into the gym. In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work.

3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystall? - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Tommy Esguerra takes a swipe anew about controversial breakup with Miho Nishida

Tommy Esguerra takes a swipe anew about controversial breakup with Miho Nishida

Tommy Esguerra takes a swipe anew about controversial breakup with Miho Nishida
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel