Bea Alonzo, umaming nami-miss na raw si John Lloyd Cruz

Bea Alonzo, umaming nami-miss na raw si John Lloyd Cruz

- Aminado si Bea Alonso na nami-miss na niyang katrabaho ang kanyang consistent leading man noon na si John Lloyd Cruz

- Sinabi rin ni Bea na gusto na niya muling makatrabaho si John Lloyd mapa-pelikula man o telebisyon

- Lahat ng pelikulang pinagtambalan ng dalawa ay pumatok sa takilya, maging ang mga teleseryeng kanilang pinagsamahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam kay Bea sa Tonight with Boy Abunda, inamin ng aktres na nami-miss na niyang makatrabaho ang kanyang leading man na si John Lloyd Cruz na bali-balitang tuluyan nang namaalam sa showbiz.

Nalaman ng KAMI na sa TWBA nagpakita ng ilang video clips mula sa pelikula ni Bea at madalas niyang leading man sa mga ito ay si John Lloyd.

“He's such a brilliant actor,"

“Actually, gustung-gusto ko na talaga siyang makatrabaho ulit,"

“I miss working with him in a movie," buong pag-amiin ng Kapamilya aktres.

Ayon sa pep, sinang-ayunan naman ito ni Boy Abunda na host ng TWBA sapagkat kitang kita naman daw talaga ang koneksyon sa tambalang Bea at John Lloyd.

“Totoo po yun. May mga bagay talaga na kaya mo lang gawin with a co-actor, na may history ka with, na matagal mo nang kilala,” dagdag pa ni Bea.

Kadalasan sa mga pelikula na pinagsamahan ng dalaea ay patok sa takilya. Ang ilan sa mga ito ay One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), The Mistress (2012), at ang pinahuli nilang pelikula na A Second Chance (2015).

Nagtambal din sila sa mga telesryeng, It Might Be You (2003), Maging Sino Ka Man (2006-2007), I Love Betty La Fea (2008-2009), at A Beautiful Affair (2012-2013).

Kasalukuyang di aktibo at bali-balita pa ngang marahil di na bumalik si John Lloyd na nanahimik na kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel