Diego Loyzaga, naglabas na ng pahayag tungkol sa kanyang kontrobersyal na 'Boracay' post

Diego Loyzaga, naglabas na ng pahayag tungkol sa kanyang kontrobersyal na 'Boracay' post

- Naging kontrobersyal ang binahaging larawan ni Diego Loyzaga at kanyang mga kaibigan na nagsasabing sila raw ay nasa Boracay

- Inaakusahan ang batang aktor ng paggamit ng koneksyon ng kanyang amang si Cesar montano sa lugar para sila ay makapuslit ng pagpunta sa lugar na ang alam ng lahat ay sarado para sa ilang buwang paglilinis

- Nagpaliwanag si Diego at sinabing 'throwback' lamang daw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na naging usap-usapan ang larawan ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga na di umano'y nasa Boracay kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nalaman ng KAMI na di naiwasang magbigay ng di magagandang komento ang mga netizen dahil sa buong pag-aakala nila na sarado ang isla para sa ilang buwang paglilinis nito.

Ayon sa ABS-CBN, inakusahan si Diego ng paggamit ng koneksyon ng ama niya na si cesar Montano na siyang chief of the Tourism Promotions Board, para makapuslit sa saradong isla.

Kaugnay nito naglabas na ng pahayag ang batang aktor na nagpapaliwanag sa kinsasangkutang isyu.

Ayon sa kanya, kuha ang larawan ilang buwan na ang nakalilipas at hindi ngayon lamang.

Sinabi pa niya na gusto lamang niyang ipakita ang pagpapahalaga niya sa mga kaibigan na nakasama niya roon at di raw niya intensyon na salaulain ang isla.

"Sorry sa mga nagalit. Although the post may come of quite obnoxious, that was not intended."

"Sorry especially to the people who are living in Boracay and saw this post. ...Hopefully this will clear things up," ang ilan pa sa mga nasabi ni Diego sa kanyang pahayag.

Abril 26 nang isara pansamantala ang Boracay para sa malawakang paglilinis ng isla sa loob ng anim na biwan.

Tanging ang ilang mga residente lamang ang maaring makapasok roon habang isinasagawa ang paglilinis.

Kaya naman di naiwasan ng ilang netizen na kuwestiyunin ang aktor kung paano ito nakapasok doon.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel