Kris Aquino, nangako na bibigyan ng bonggang regalo sina Joshua Garcia at Julia Barretto

Kris Aquino, nangako na bibigyan ng bonggang regalo sina Joshua Garcia at Julia Barretto

- Magsasama sa isang pelikula ang love team na JoshLia at ag Queen of all media na si Kris Aquino

- Nangako si Kris na kapag naging hit ang kanilang pelikula, reregaluhan daw niya ng plane tickets ang dalawa

- Minsang naikwento daw nina Joshua Garcia at Julia Barretto na isa sa 'bucket list' nila ang makapunta sa New York

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Balik pelikula na ang Queen of all Media na si Kris Aquino at ang isa sa mga pinaka-sikat na love team ngayon ang JoshLia na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa isang panayam kay Kris, nalaman ng KAMI na nakahanda na agad siyang regalo sa dalawa pag naging hit ang kanilang kauna-unahang pelikula na magkakasama.

Ayon sa push, naikwento raw pala ng love team ng pelikulang 'I love you Hater" na isa sa mga nasa 'bucket list' nilang dalawa ang makapunta sa New York.

“They told me na they have a bucket list together. Sinabi nila na kapag nagkaroon na ng three na endorsements na silang dalawa as a tandem, so on the third daw pupunta sila ng New York kasi dream talaga daw nila ‘yun. So sinabi ko ‘yung New York na ‘yan basta mag-hit tayo, sagot ko na si New York, ‘yung tickets ah. Pero ‘yung hotel at ‘yung mga tour at pagkain mag-ipon na kayo for that,” kwento ni Kris.

“Kasi di ba in life you have always something to look forward to so ‘yun ang sinasabi ko sa kanila na dapat ma-excite pa kayo," dagdag pa niya.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay Joshua, inamin niya na di siya makapaniwala sa posibleng iregalo sa kanila ng Queen of all media.

“Kasi may ginagawa kaming interview and sinabi niya bigla tapos na surprise talaga ako,” sabi ni Joshua.

Maging si Julia ay di na maitago ang excitement sa regalong ito ng kanyang Tita Kris.

“I got excited and of course it’s so nice to be able to work with people who genuinely care about you and your well-being so it’s an honor to have been able to work with tita Kris,” ani Julia.

Ang 'I Love you, Hater!' ang unang pelikula ni Kris mula sa dalawang taon niyang pamamahinga sa showbiz.

Abril ng taon ito nang inanunsiyo na magsasama sina Kris at joshLia sa iisang pelikula.

Bukod sa pagbabalik pelikula ni Kris, marami pa rin siyang pinagkakaabalahan gaya ng mga food business at online ventures sa pamumuno ng sarili niyang kompaniyang Kris Cojuangco Aquino Productions o KCAP.

In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystallу | BeKami on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel