Tatay, ginamit ang sidecar bilang ‘bridal car’ ng kaniyang babaeng anak na ikakasal

Tatay, ginamit ang sidecar bilang ‘bridal car’ ng kaniyang babaeng anak na ikakasal

- Nag-viral ang isang babaeng ikinasal noong May 10 sa Surigao del Sur

- Siya ay nagtrending dahil sidecar ang ginamit niyang “bridal car” papunta sa simbahan

- Ang tatay niya ang nagmaneho ng sidecar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming ikinakasal sa Pilipinas na maarte pagdating sa gagamiting bridal car.

Pero mayroon pa ring mga Pinoy na walang kaarte-arte pagdating sa mga gagamitin sa kasal. Isa na rito si Felma Masaring ng Surigao del Sur.

Nalaman ng KAMI na nag-viral ang photos ni Felma habang nakasakay sa kaniyang natatanging “bridal car” – isang sidecar na minamaneho ng kaniyang amang si Carlos.

Ayon sa ABS-CBN News, ikinasal si Felma sa St. Vincent de Paul Parish sa may Bislig City noong May 10.

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa photos ng bridal sidecar ni Felma:

“Mas mabuti pang ganito iwas utang kay sa bongga nga pagkatapos daming babayaran”

“I find this rather sweet and touching. Congratulations to you and yours.”

“Super proud cguro c bride sa kanyang tatay... cguro noong dalaga pa xa yang motor na yan tagapaghatid sa kanya kaya hanggang sa pinakaimportanteng araw nya kah8 gaano kainit tiniis nya pra c father nya pa rin maghahatid s kanya... #sosweet it takes courage for the bride na nakagown xa tpos sa motor xa nakasakay... #nakakaproud c atey..”

“Salute to the father of the bride. You're so sweet. Best wishes sa ikakasal.”

Naniniwala ang KAMI na ang pinakamahalagang bagay sa isang kasal ay ang pagmamahalan ng lalake at babae at hindi ang mga pinagkagastusang elemento ng kasal!

What kind of male body type do Pinays today prefer? This is What Philippine Women Desire in 2018 – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver

Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver

Foreigner actress sa Pinas, binahagi ang 'pang-gugulang' di umano sa kanya ng isang taxi driver
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel