Libreng gamot! Mga kahanga-hangang mga benepisyo ng Ipil-ipil o lead tree sa kalusugan

Libreng gamot! Mga kahanga-hangang mga benepisyo ng Ipil-ipil o lead tree sa kalusugan

- Isang punong kahoy ang marami palang nagagamot na karamdaman

- Ang ipil-ipil o lead tree ay isang halaman na tumutubo sa ating bansa

- Ito ay kadalasang tumutubo sa Timog Asya, Pilipinas, Australia at mga isal sa Pasipiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang ipil-ipil o tinatawag ding lead tree ay isang halaman na kadalasang nakikita sa mga bundok at sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Ang bulaklak nito ay hugis bilog. Ang iba;t ibang bahagi ng punongkahoy na ito ay ginagamit upang ipanggamot sa iba't ibang karamdaman. Ang katas nito ay may magandang epekto sa balat at buhok.

Meron din daw itong anti-aging components ayon sa isang ulat ng Findhomeremedy.com.

Narito ang ilan sa nakakamanghang dulot nito sa katawan.

Libreng gamot! Mga kahanga-hangang mga benepisyo ng ng Ipil-ipil o lead tree sa kalusugan

via wildsouthflorida.com

1. Skin Toner

Ang dahon at buto nitong halaman ay maganda sa balat dahil sa nakakatulong ito na makabuo ng 'collagen' na nagbibigay ng magandang epekto sa balat. Nababawasan o naayos ang ilang problema sa balat kagaya ng kulubot, dry skin, hindi pantay at pangingitim ng balat.

2. Napakahusay na gamot sa balat

Kayang gamutin ng ipil-ipil ang Soryasis na maituturing na isang napaka-malubhang kondisyon ng balat. Ang buto nito ay nakakapagpaimpis ng pamamaga at pananakit ng balat.

3. Pantanggal ng mga buhok sa katawan

Ang dagta na mula sa puno ng ipil-ipil ay mabisang pantanggal ng buhok. Hindi kagaya ng ibang mga gamot na nabibili, wala itong masamang epekto sa katawan. Walang pamumula, pangangati at mas makinis na balat ang epekto nito.

4. Gamot sa balakubak

Ang langis mula sa puno ng ipil-ipil ay mabisang gamot sa balakubak dahil sa nti-fungal at anti-bacterial na gamit nito.

5. Analgesic:

Ang balat ng puno nito ay kilalang analgesic at ginagamit ng mga tao para pampawala ng sakit na kaugnay sa regla at kalamnan.

6. Pamatay bulate

Ang buto ng ipil-ipil ay kilala bilang mabisang pantanggal ng bulate. Kahit ang mga sinaunang tao ay gumagamit nito upang matanggal ang bulate.

Libreng gamot! Mga kahanga-hangang mga benepisyo ng ng Ipil-ipil o lead tree sa kalusugan

via StyleCraze

Ang pag gamit ng anumang uri ng halamang gamot ay hindi dapat gawin ng walang sapat na kaalaman. Mahalagang ingatan ang kalusugan. Ang ating kalikasan ay may handog na gamot na pwedeng gamitin ng walang bayad. Ngunit higit sa ano pa man, mahalagang nagpapatingin sa dalubhasa sa anumang uring sakit sa katawan kapag nakakaramdam ng hindi kanais-nais.

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines- on HumanMeter

How much do you know the Philippine heroes? Check out this video about a social experiment on how much the society knows about this.

Source: Kami.com.ph

Related news
Teeange girl na naputulan ng kaliwang braso dahil sa cancer, kinakitaan parin ng positibong pananaw sa buhay

Teeange girl na naputulan ng kaliwang braso dahil sa cancer, kinakitaan parin ng positibong pananaw sa buhay

Teeange girl na naputulan ng kaliwang braso dahil sa cancer, kinakitaan parin ng positibong pananaw sa buhay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel