Pinoy na probinsyano, isa na ngayong Doctor of Philisophy sa kabila ng kahinaan niya noon sa wikang Ingles

Pinoy na probinsyano, isa na ngayong Doctor of Philisophy sa kabila ng kahinaan niya noon sa wikang Ingles

- Binahagi ni Jade kung paano niya naabot ang mataas na antas ng pinag-aralan sa kabila ng kahinaan niya sa Ingles

- Minsan nang may nagsabi sa kanya na mahihirapan talaga siyang makapasok sa Unibersidad sa Amerika lalo na kung siya di gaanong mag-ingles

- Naging library assistant siya kung saan ginugol niya rin ang oras sa pagbabasa ng mga libro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Pilipinas tila naging basehan ng katalinuhan ng isang tao kung siya ay magaling magsalita, umintindi at magsulat sa wikang Ingles.

Kung marunong ka ng lenggwaheng ito, masasabi na ikaw ay mas nakaaangat sa iba at kung hindi naman, madali kang husgahan na mayroon kang 'kahinaan'

Ngunit iba ang naging karanasan at kapalaran ni Jade Aster Badon na aminadong di kagalingan sa wikang Ingles.

Nalaman ng KAMI na isa palang probinsyano si Jade na tubong Negros Oriental.

Ayon sa Pilipino scoop,bata pa lamang si Jade, mataas na ang kanyang pangarap at ito ay maging isang scientist. Nahihilig talaga siya sa mga likas na yaman, mga hayop at kalikasan.

Dahil dito nangarap din siyang makarating sa iba't ibang lugar sa mundo.

“I’ve been dreaming of becoming a biologist so I took B.S. Biology in Silliman University after high school even though someone told me that the field will not let me travel around the world…but I continued studying Biology,” kwento ni Jade.

Ngunit nangangamba siya na makamit ito sa kadahilanang di siya kagalingan sa Ingles.

“I got an “On-Probation” status when I entered the Biology program because I only got 54/100 from the University Entrance Exam… but I continued in the program (passed the quizzes and exams) and got rid of the OP status after I got a grade of 3.6 (highest is 4.0) in my first biology class…I am very thankful to the faculty of the biology department of Silliman U”

Hanggang sa naghanap siya ng trabaho sa kanilang unibersidad. Dito nagin siyang libraby assistant. Dito sinamantala niya na madalas makahiram ng libro upang magsanay umunawa at magbasa sa wikang Ingles.

“I was late in applying for a job in the campus, and the only available paying job during the first to second years in college was in Silliman University library where I worked for almost 2 years at the baggage section and sometimes at the front door with a counter on my hand…but I took the job and took advantage of being able to borrow the books and study during non-peak hours…But later on, the library will become an important place since out of thousands of books, one of them will be my ticket to the graduate school (through the McGuire Center Assistantship of Univ. of Florida) in the University of Florida,” ani Jade.

Dito naranasan niyang ma-bully sa pagsasabi ng iba na di raw siya makakapasok sa university sa Amerika dahil sa kahinaan niya sa wika roon.

“I was having trouble learning the English language, and someone told me that it will be impossible for me to get accepted in a US university and it is also impossible for me to make great discoveries…but I continued learning the English language,” sabi ni Jade.

Taong 2013 nang natapos niya ang kayang Masteral Degree sa M.S. Entomology and Nematology: sa University of Florida, Florida, USA noong taong 2013.

Ngayong 2018 naman kakatapos lang niya ng Ph.D. Entomology and Nematology saUniversity of Florida, Florida, USA.

Tunay na paghuhugutan talaga nating ng inspirasyon ang pinagdaanan ni Jade.

Di niya sinukuan ang kanyang mga pangarap bagkus nagpursige pa siya na makamit ito.

What is better: having a lot of muscle or being skinny but fit? This is What Philippine Women Desire in 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Behind-the-scenes ni Anne Curtis bilang first-time star patroller sa TV Patrol patok

Behind-the-scenes ni Anne Curtis bilang first-time star patroller sa TV Patrol patok

Behind-the-scenes ni Anne Curtis bilang first-time star patroller sa TV Patrol patok
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel