Jose Manalo naging ‘emosyonal’ sa pagkwento ng kinasangkutang aksidente sa Quezon City

Jose Manalo naging ‘emosyonal’ sa pagkwento ng kinasangkutang aksidente sa Quezon City

- Nagkwento sa Eat Bulaga si Jose Manalo ng aksidenteng kinasangkutan niya

- Ayon sa komedyante, binunggo ng isang jeepney ang kaniyang sasakyan

- Sa Quezon City circle daw nangyari ang aksidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa recent episode ng Eat Bulaga, naging “emosyonal” si Jose Manalo habang kinikwento kay Vic Sotto ang aksidenteng kinasangkutan niya.

Napagalaman ng KAMI na sa Quezon City naganap ang aksidente.

Ayon kay Jose, paliko siya ng Quezon Avenue nang ang sasakyan niya ay banggain ng isang jeepney.

Nasira raw ang bumper ng kaniyang sasakyan at ang jeepney driver at napakamot na lang daw ito ng kaniyang ulo.

Narito ang video ng nakakatawang moment ni Jose mula sa YouTube channel ng GMA Network:

Tawang-tawa rin naman ang netizens sa kwento ng comedian:

“Ibang iba ang sigla kapag nandyan si bossing at jose”

“ang sakit sa kakatawa ko kay jose”

“Mas masaya tlga kapag nanjan c Jose”

Nasa “Eat Bulaga” na si Jose noon pang 1995.

Siya ay naging 52 taong gulang noong Pebrero 12.

Ang komedyante rin ay parte ng “Sunday Pinasaya” kasama si Marian Rivera.

Nagpapaalala ang KAMI sa mga motorista na palaging mag-ingat at huwag mag-init ang ulo habang nagmamaneho!

What kind of male body type do Pinays today prefer? This is What Philippine Women Desire in 2018 – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jerry Yan at isang model-actress, napapabalitang ikakasal na

Jerry Yan at isang model-actress, napapabalitang ikakasal na

Jerry Yan at isang model-actress, napapabalitang ikakasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel