Marlo Mortel isiniwalat na nakatanggap ng 'indecent proposals' para madagdagan pambayad sa nanay na may cancer

Marlo Mortel isiniwalat na nakatanggap ng 'indecent proposals' para madagdagan pambayad sa nanay na may cancer

- May sakit na cancer ang nanay ng aktor na si Marlo Mortel

- Isiniwalat ng aktor na nakatanggap siya ng mga "indecent proposals" kapalit ay perang pambayad sa medical bils ng nanay na may cancer

- Pero hindi nagpadala sa tukso ang aktor at ipinangakong kikita siya sa malinis na paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May sakit na cancer sa dibdib ang nanay ng aktor na si Marlo Mortel at ito'y nasa advanced stage.

Sabi ni Marlo, hindi naging madali para sa kanya ang paggising araw-araw na alam niyang ganoon ang hinaharap ng minamahal na ina.

Nalaman ng KAMI na nagso-sorry daw ang kanyang ina dahil nahihiya na ito sa anak sapagkat lahat na ng kinikita ng ina ay sa pagpapagamot niya napupunta.

Sabi nga ni Marlo ay wala naman daw sa kanya yun, yung importante lang daw ay gumaling ang nanay niya.

Pero hindi kinaila ni Marlo na nakatanggap siya ng mga indecent proposals upang makatulong pandagdag sa pambayad sa medical bills ng nanay.

Bagamat napakatempting, hindi sinunggaban ni Marlo ang mga ito.

Sabi niya may singing at acting talent siya na magagamit para kumita sa disenteng paraan.

Ayon pa sa report ng PEP, nag-uundergo ng chemotherapy ang nanay niya every week.

Nabawasan na rin ng 40 kilos ang timbang ng ina.

Sumulat si Marlo ng kantang "I Pray" na dinedicate niya sa mahal niyang ina.

Si Marlo Mortel ay solong anak ng kanyang mga magulang at ngayon at 25 taong gulang.

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel