Aga Muhlach, lubos ang pasasalamat kay President Duterte sa pagpunta para makiramay sa yumao niyang ama

Aga Muhlach, lubos ang pasasalamat kay President Duterte sa pagpunta para makiramay sa yumao niyang ama

- Dumalaw si President Duterte sa burol ng yumaong ama ni Aga Muhlach na si Alvaro "Cheng" Muhlach

- Pumanaw ang ama ni Aga nitong Sabado ng umaga, May 12

- Umani ang pagdalaw ni Duterte ng paghanga mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis ang tuwa at pasasalamat ni Aga Muhlach sa pagdalaw ni President Duterte sa burol ng kanyang yumaong ama na si Alvaro "Cheng" Muhlach.

Nalaman ng KAMI na pumanaw si Cheng nitong Sabado ng umaga, May 12 dahil sa cardiac arrest.

Aga Muhlach, lubos ang pasasalamat kay President Duterte sa pagpunta para makiramay sa yumao niyang ama

Aga Muhlach, lubos ang pasasalamat kay President Duterte sa pagpunta para makiramay sa yumao niyang ama (Photo: Star Cinema)

Makikita sa video na ito mula sa YouTube channel ng Sikat Trendz kung ano ang naging reaksyon ni Aga ng makita si Duterte. Pagpasok ni Duterte ay sinalubong siya ng iba pang mga kapatid ni Aga.

"Maraming salamat, Pangulong Duterte for paying your respects to my Dad. It meant so much to me and my family," nilagay na caption ni Aga sa kanyang Instagram account.

Watch the video below:

Marami naman ang humanga sa ginawang pagdalaw ni Duterte at talaga raw napaka-humble nito.

Read some of the comments from netizens below:

"Kaya mahal ko si duterte eh"

"Yan ang pangulo ng pilipinas"

"Very humble President I wish sya na lng ang President for life"

"Down to earth talaga ang presidente natin"

"Ikaw lang ang Presidenteng dumadalaw sa mga nalalaman mong namatayan. Tunay kang may mababang loob at marunong makiramay. God Bless Presidente Duterte."

"No wonder we love our president duterte napaka down to earth God bless you Mr President and mabuhay po kayo."

Nag-post naman sa kanyang Instagram account ang kapatid ni Aga na si Almira Muhlach at nilagay ang caption na, "I love you Papa! Thank you for everything! #lostforwords #iwillmissyou"

Si Aga Muhlach ay anak nina Alvaro "Cheng" Muhlach at Anita Adies Aquino. Kapatid din ni Aga ang mga aktor na sina Arlene, Almira, at AJ Muhlach. Meron pa silang ibang mga kapatid na hindi sumabak sa showbiz.

Kakabalik lang ni Aga noong Biyernes, May 11 galing Greenland kung saan ginagawa ang shooting ng bagong pelikula niya kasama si Alice Dixson.

Today we are going to ask the university students from the Philippines some tricky questions. Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? Did they do a good job in your opinion? Which group of students do you think were the best at it?

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mark Estephen, umamin na sa wakas na trans woman na ulit siya ngayon!

Mark Estephen, umamin na sa wakas na trans woman na ulit siya ngayon!

Mark Estephen, umamin na sa wakas na trans woman na ulit siya ngayon!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel