Bea Alonzo naging maamong tupa sa harap ni Cherie Gil sa 'Bituing Walang Ningning' copycat scene

Bea Alonzo naging maamong tupa sa harap ni Cherie Gil sa 'Bituing Walang Ningning' copycat scene

- Ni-recreate nina Bea Alonzo at Cherie Gil ang popular na "Bituing Walang Ningning" copycat scene

- Marami ang makakaalala ng "You're nothing but a second rate trying hard copycat"

- Ang mga co-stars nila sa "Kasal" ay nagsi-ulit din ng ibang mga eksena sa movie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-bonding si Bea Alonzo sa primyadong aktres na si Cherie Gil sa pamamagitan ng pag-recreate ng popular na scene sa "Bituing Walang Ningning."

Ito ay ang scene na kung saan sinabuyan ni Cherie Gil si Megastar Sharon Cuneta ng tubig pagkatapos niyang sabihin ang linyang, "You're nothing but a second-rate trying hard copycat."

Nakapoise talaga si Bea at siyempre di rin matatawaran ang katarayan ng isa sa mga paboritong kontrabida sa pelikula na si Cherie Gil.

Nang ma-deliver na ni Cherie Gil ang linya, bahagyang gumalaw ito na parang sasabuyan ng wine si Bea.

Dito na nagmove palikod si Bea sabay takip ng kanyang mukha.

Siyempre, natuwa rin nang husto si Cherie at nagyakapan ang dalawang aktres.

Tingnan niyo ang buong ganap sa video na 'to.

Nakisali na rin ang ibang cast ng "Kasal" na ikinatuwa nilang lahat.

Sina Cherie Gil at Sharon Cuneta ang mga lead na aktres sa 1985 film na "Bituing Walang Ningning."

Ang "copycat" line ay naging napakapopular at hanggang ngayon ay nakatatak sa puso't isip ng mga Pilipino.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID

Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID

Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel