Vic Sotto at Coco Martin magsasanib puwersa daw para pabagsakin si Vice Ganda

Vic Sotto at Coco Martin magsasanib puwersa daw para pabagsakin si Vice Ganda

- Magsasanib puwersa sina Vic Sotto at Coco Martin para sa darating na MMFF 2018

- Naging reigning queen sa MMFF si Vice Ganda

- Nagtatanong na ngayon ang mga nakakaalam kung ito na kaya ang makakapigil sa pagiging box office queen ni tuwing MMFF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na raw na sa darating na MMFF 2018, dalawa sa mga sikat na aktor ay magkakapit-bisig at magsasanib puwersa.

Ito ay sina Bossing Vic Sotto at Kuya Cardo Coco Martin. Bagamat hindi pa nila naipahayag kung ano ang nasasabing pelikula, mukhang ito ay maging pambato talaga sa takilya.

Nalaman ng KAMI na sinabihan daw ang dalawa na huwag na raw gastusan nang masyado ang effects at iba pang gma "borloloy" sa pelikula.

I-focus daw sa kuwento dahil sila naman daw ay tinagurian nang mga "hari" sa pelikula.

Ayon sa Abante, wala pa namang napiling director pero ang pelikula raw ay magiging heartwarming kung saan mapupulutan ng aral.

May mga katanungan ngayon na bumabagabag sa ilan, base sa naireport ng Abante.

"Ngayong sina Bossing Vic at Kuya Cardo ay magsasama na, ang reignin­g MMFF Box Office Queen Bayot, si Vice Ganda, ano kaya ang pakiramdam? Masaya kaya siya sa kaganapang ito o nagda­dabog ang kanyang bangs at kahit paano­, ninerbiyos?"

Mga ilan pang katanungan ay, "Ito na kaya ang magpapatigi­l sa kanyang box-office reign sa MMFF? Ito kaya ang lulumpo sa kany­a sa takilya? O, ang Sotto-Martin ay hindi pa rin kakayani­n ang kanyang fuerza­?"

Si Vice Ganda ang naging consistent na MMFF box office queen.

Aabangan ngayon ng marami ang pagsasanib puwersa ng dalawang "king" sa MMFF 2018.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’

Palace says President Duterte will resign if he is ‘dying’ or ‘gravely ill’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel