Goodbye showbiz na ba talaga? John Lloyd Cruz, tumanggi na sa showbiz interviews

Goodbye showbiz na ba talaga? John Lloyd Cruz, tumanggi na sa showbiz interviews

- Tinanggihan ni John Lloyd Cruz ang isang news reporter nang magkita sila sa isang event

- Si John Lloyd ay dumalo sa isang art exhibit kung saan isa siya sa mga featured artists

- Naging mailap siya sa publiko simula nang mag file siya ng indefinite leave sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang report ng ABS-CBN, hindi pinaunlakan ni John Lloyd Cruz ang batikang reporter na si Mario Dumaual para ma interview siya.

Makikita sa video si John Lloyd na bagong gupit na una nang ipinakita sa Instagram ni Ellen Adarna kung saan siya mismo ang gumupit sa kanya.

Dumalo si John Lloyd sa Archivo 1984 exhibit na "Reinterpreting Vic Delotavo's Posters for Philippine Cinema". Isa ang mga obra niya ang tampok sa nasabing exhibit sa UP Vargas Museum.

Makikitang nakikipag-usap ang aktor sa kapwa niya artist hanggang sa lapitan na siya ng reporter. Nakipagkamay din siya at binati ang reporter.

Sinubukan di umano ni Dumaual na makapanayam siya ngunit humingi siya ng paumanhin at nakangiting tumanggi dito.

Nang muling sinubukan ni Dumaual na tanungin siya, umiwas pa rin ito at nagsabing, "Hay naku, I don't wanna deal with that. I'm sorry. Excuse me," sambit niya habang lumakad palayo sa reporter.

Ayon din sa ulat, tinanggihan ni John Lloyd ang magpa interview dahil hindi na raw siya nagpapa-interview tungkol sa showbiz.

Matatandaang nag file ng indefinite leave ang aktor noong October 2017 dahil daw sa 'personal matter.' Ito ay sa gitna ng mga isyung inuugnay sa kanila ni Ellen Adarna noong mga panahong iyon.

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines- on HumanMeter

How much do you know the Philippine heroes? Check out this video about a social experiment on how much the society knows about this.

Source: Kami.com.ph

Related news
Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel