Unaffected? Ellen Adarna, di natinag sa isinampang kaso sa kanya, nagbahagi ng video na ginugupitan si John Lloyd Cruz

Unaffected? Ellen Adarna, di natinag sa isinampang kaso sa kanya, nagbahagi ng video na ginugupitan si John Lloyd Cruz

- Inaabangan ng mga netizens kung maglalabas ng statement si Ellen Adarna tungkol sa public apology na hinihingi ng nanay ng menor de edad na inakusahan niyang kumukuha ng video nila

- Sa open letter ng nanay ng bata, sinabi nito na binibigyan nila ng 5 araw si Ellen upang mag apologize publicly

- Tuluyan nang sinampahan ng kaso ng nanay ng menor edad na si Eleila Santos si Ellen Adarna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inabangan ng mga netizens ang hininging public apology ng ina ni Eleila Santos mula kay Ellen Adarna. Nagsampa ng reklamo si Myra Abo Santos ng kasong child abuse and cybercrime laban kay Ellen Adarna ngayong araw, May 15.

Ayon sa ulat ng reporter ng ABS-CBN News na si MJ Felipe, nagsampa ng kaso si Myra Santos sa Office of the Prosecutor sa Lungsod ng Pasig.

Sa halip na public apology, unang ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram ang video ng kanyang pagpapalinis ng kuko. Nitong ika limang araw naman ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram story ang video niya na naka bronze facial mask habang nilalaro ang kanyang alagang aso.

Matapos lumabas ang balitang sinampahan na siya ng kaso, nagbahagi naman ng video ang dating aktres. Ginugupitan niya si John Lloyd Cruz.

"Today's Agenda ‍♂️ #thingswedoathome" ito ang nakasulat sa cation ng video.

Naging usap-usapan kamakailan ang naging issue sa di umano'y pamamahiya ni Ellen Adarna sa isang menor de edad na inakala niyang kumukuha ng video nila habang kumakain sa isang restaurant.

Paglilinaw ng 17-anyos na si Eleila A. Santos, hindi niya napansin sina Ellen at hindi rin daw niya ito kilala. Ang kinukuhanan niya daw ng video ay ang kanilang pagkain pati na rin ang kaibigan niya.

Ipinagtanggol din siya ng kanyang ina. Sa isang open letter na kanyang ibinahagi noong ika-7 ng Mayo, inilahad ni Myra Santos, ina ni Eleila ang kanilang effort na makipag ugnayan kay Ellen upang maliwanagan at maayos ang issue.

Nagpadala daw sila ng private message ngunit hindi daw sila pinansin ni Ellen. Ayon sa open letter, sa payo na rin ng kanilang abogado,

hinihingian nila si Ellen ng public Apology sa loob ng limang araw ngunit wala pa rin itong tugon tungkol sa issue.

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines- on HumanMeter

How much do you know the Philippine heroes? Check out this video about a social experiment on how much the society knows about this.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel