Masuwerteng bata talaga! Baby ni Heart Evangelista, magsusuot ng pajamas na may nakakalulang presyo

Masuwerteng bata talaga! Baby ni Heart Evangelista, magsusuot ng pajamas na may nakakalulang presyo

- Maingay ngayon ang usap-usapan tungkol sa magandang balita ng pagbubuntis ni Heart Evangelista

- Ayon sa isang report, sobrang mahal pala ng pajamas na ipinost ni Heart sa kanyang Instagram account

- Siguradong napakasuwerte ng magiging baby nila Heart at Chiz Escudero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napabalita ang nakakalulang presyo ng pajamas ng magiging baby nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Nalaman ng KAMI na nitong May 12, ay shinare ng Kapuso star ang magandang balita na siya ay buntis na sa panganay nila ni Chiz.

"The greatest of blessings all in God’s perfect timing! Our beautiful family just got a little bigger. We can’t wait to meet you little one..." ang caption ni Heart sa Instagram.

Sa photo na shinare niya, makikita na may hawak si Heart na color white na baby pajamas, na may print na maliliit na stars.

Ayon sa ulat ng PEP, nag-research ang kanilang team at napagalaman na ito ay mula sa Baby Dior's newborn gift sets.

Ayon daw sa official website ng luxury brand na ito, ang baby pajamas na ito ay nagkakahalaga ng 290 Euros o PhP 18,182.13 sa pera natin. Talaga namang napakamahal nito para sa isang maliit na damit na pang-baby.

Siguradong magiging fashionista din ang magiging anak ni Heart kagaya niya. Kilala ang aktres na mahilig sa mga branded at mamahalin na gamit, kaya walang duda na puro mamahalin din ang magiging gamit ng baby nila.

Kinasal si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero noong February 15, 2015, na idinaos sa Balesin Island Club. Si Chiz ay meron ng dalawang anak sa una niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Today we are going to ask the university students from the Philippines some tricky questions. Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? Did they do a good job in your opinion? Which group of students do you think were the best at it?

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel