Nosebleed siya! Alex Gonzaga,hindi halos makapagsalita sa fashion photoshoot

Nosebleed siya! Alex Gonzaga,hindi halos makapagsalita sa fashion photoshoot

- Dinaan nalang muli ni Alex Gonzaga sa pagpapatawa nang maubusan siya raw siya ng 'english' sa photoshoot kasama si Patrick Starrr

- Makikita sa unang bahagi ng kanyang vlog na tila kinakabahan ang komedyante sa fashion shoot na ito

- Biniro pa ni Alex na kamukha daw ni Patick Starr ng Patrick ng cartoons na Spongebob Squarepants

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naman ikinakaila ni Alex Gonzaga na di siya kagalingan mag-ingles.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang vlog, pinakita ni Alex kung paano siya nakisama sa Filipino Make-up artist na si Patrick Starrr na naka-base sa US.

Sa simula ng video, kitang kita na bagaman makulit, halatang kinakabahan na si Alex.

Ginawan ni Alex ng vlog ang photoshoot nila ng celebrity make-up artist para sa Preview magazine.

Nauna sa dressing room ang 30 taong gulang na aktres nang biglang dumating ang grupo ni Patrick na puro inglesero.

Mas lalong kinabahan ang komedyante na nagtakip pa ng ilong bilang senyales na makikipag-inglesan siya.

Nagbiro pa si Alex na pinagpalit niya si Mommy Pinty (kanyang nanay) sa mommy ni Patrick. Pabirong sabi pa ni Alex na buti pa raw si Patrick pinalaki ng mommy niya sa States samantalang siya sa sa Taytay, Rizal lang daw.

Sinabi pa ni Alex na out-of-stock daw English niya.

Isa pa sa mga banat ng komedyante ay ang makinis niyang kili-kili na wala raw 'kamot' ni Wolverine.

At nang lumabas na ang grupo ni Patrick bilang paghahanda sa mismong shoot, nakahinga na ng malalim si Alex.

"Nakahinga na ako nang malalim," ani Alex.

Narito ang video ng kanilang photoshoot na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Ang fashion photoshoot ay para sa May issue ng preview magazine.

Mapapanood ang iba pang kakulitan ni Alex sa kanyang Youtube channel 'Alex Gonzaga'

Nakikipagsabayan din ng kalokohan si Alex sa mga kapwa niya Sing-vestigators sa 'I can see your voice.'

Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? 1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Atom Araullo, nanatiling tikom ang bibig sa gitna ng pambabatikos sa kanya, may hawak daw na "disappointing" documents laban kay Mike de Leon

Atom Araullo, nanatiling tikom ang bibig sa gitna ng pambabatikos sa kanya, may hawak daw na "disappointing" documents laban kay Mike de Leon

Atom Araullo, nanatiling tikom ang bibig sa gitna ng pambabatikos sa kanya, may hawak daw na "disappointing" documents laban kay Mike de Leon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel