Kinasuhan na! Ellen Adarna, sinampahan na ng kaso ng nanay ng menor de edad na si Eleila Santos

Kinasuhan na! Ellen Adarna, sinampahan na ng kaso ng nanay ng menor de edad na si Eleila Santos

- Tuluyan nang sinampahan ng kaso ng nanay ng menor edad na si Eleila Santos si Ellen Adarna

- Ito ay matapos ang limang araw na ibinigay nila kay Ellen upang magbigay ng kanyang public apology

- Inireklamo ni Myra Abo Santos, si Ellen ng kasong child abuse and cyber crime

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inabangan ng mga netizens ang hininging public apology ng ina ni Eleila Santos mula kay Ellen Adarna. Nagsampa ng reklamo si Myra Abo Santos ng kasong child abuse and cybercrime laban kay Ellen Adarna ngayong araw, May 15.

Ayon sa ulat ng reporter ng ABS-CBN News na si MJ Felipe, nagsampa ng kaso si Myra Santos sa Office of the Prosecutor sa Lungsod ng Pasig.

Matatandaang nag post ng public letter sa Facebook si Myra noong ika 7 ng Mayo upang humingi ng public apology mula sa dating aktres.

Inakusahan di umano ni Ellen ang kanyang anak na paparazzi.

Bahagi ng nasabing public letter ay naglalaman nito, "My family and I have begun seeking legal assistance. As advised by our lawyer, we are now writing this letter. As her family, we ask you to publicly apologise to Eleila. We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity."

Sa halip na sagutin ang nasabing letter, matatandaang video habang nagpapa pedicure at naka bronze facial mask ang naging tugon niya.

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines- on HumanMeter

How much do you know the Philippine heroes? Check out this video about a social experiment on how much the society knows about this.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel