Pokwang, sinorpresa sa Mother’s Day ang nanay niyang may Alzheimer’s Disease

Pokwang, sinorpresa sa Mother’s Day ang nanay niyang may Alzheimer’s Disease

- Sinorpresa ni Pokwang nanay niyang si Gloria sa Mother’s Day

- Nakuhanan sa video ang emosyonal na pagbigay ng aktres ng bulaklak sa kaniyang ina

- May Alzheimer’s Disease si Gloria

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinatunayan muli ni Pokwang na isa siyang mabuti, maaruga at mapagmahal na anak.

Napanood ng KAMI mula sa social media video ng komedyante ang kaniyang Mother’s Day surprise para sa mommy niyang si Gloria Subong, na mayroong Alzheimer’s Disease – isang sakit na nagdudulot ng pagkakalimot, pagkalito at maging depression.

“Happy mother's day sa nanay kong super at wonder nanay naming dose na magkakapatid.

“wala akong karapatan mag reklamo kapag napapagod sa pag aaruga ng mga anak ko kasi ikaw ang batayan ko ng salitang Tyaga, nakaya mo nga kaming alagaan na dose diba?

“I love you... kung papipiliin ulit ako ng nanay ikaw parin paulit ulit ang pipiliin ko,” sinulat ni Pokwang.

Narito ang nakaka-iyak na video:

Na-touch din ang netizens sa video ni Pokwang:

“Happy Mother’s Day to your mommy and to you @itspokwang27 You have a beautiful heart and it extends to the rest of your family”

“this is soooo touching...God bless your nanay and all mothers( our Queens) in the world”

“Bakit ako naiiyak? This is so cute. Happy mother's day to you both.”

Ipinanganak ni Gloria si Pokwang noong August 27, 1970.

Sa Iloilo City siya ipinanganak.

Pang-pito si ang aktres sa 12 na magkakapatid.

Nagpapaalala ang KAMI sa mga anak na sila ang may responsibilidad na mag-alaga sa kanilang mga magulang sa pagtanda nila! Gayahin natin dapat si Pokwang!

Students at the University of the Philippines (UP) were asked tricky questions including: can you guess who the people on this 1000 peso bill are? – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel