Bea Alonzo, nagbitaw ng mabibigat na salita tungkol sa inaayos niyang relasyon kay Gerald Anderson

Bea Alonzo, nagbitaw ng mabibigat na salita tungkol sa inaayos niyang relasyon kay Gerald Anderson

- Diretsahang sinagot ni Bea Alonzo ang mga tanong tungkol sa totoong estado ng kanyang relasyon kay Gerald Anderson

- Nabanggit ng aktres na inaayos naman daw nila ni Gerald ang kanilang relasyon

- Sa ngayon, di pa niya kayang sagutin kung kaya niyang pakasalan ang aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masiglang sumagot ng mga mabibigat na tanong si Bea Alonzo tungkol sa kontrobersyal na relasyon niya kay Gerald Anderson.

Nalaman ng KAMI na inamin ni Bea na talagang may pinagdaanan sila ni Gerald ngunit inaayos naman daw nila ito.

Maalalang noong nakaraang Linggo lamang umugong ang balita na 'hiwalay' na raw ang dalawa ay ayon kay Bea, siya ay 'technically single.'

"Marami pang inaayos," panimula ng aktres. "The moment you choose to fall in love, you choose to experience pain, and I think it all boils down to who you want to experience all of that for. . . Doon nag-go-grow 'yung relationship. Doon nag-go-grow ang love," paliwanag pa niya.

"Ang love naman hindi lang puro saya, eh. Pag mas marami nga kayong pinagdaanan, mas strong 'yung relationship. Kailangan, paminsan-minsan, mayroon kayong pagdadaanan, at may matututunan kayo out of all of those things," pagpapatuloy ng aktres.

Nauna nang napabalita ang di nila pagkakaunawaan nang bigla na lamang nyang in-unfollow si Gerald sa social media.

Ito ay matapos maipalabas ang pelikula ni Gerald kasama ang Miss Universe 2015, Pia Wurtzbach.

Mariing pinabulaanan din ni Bea ang pagkakadawit ni Pia sa di pagkakaunawaan nila ni Gerald.

Narito ang video ng panayam ni Boy Abunda kay Bea na nakuha ng KAMI mula sa Youtube.

2010 nang nagkaroon ng 'short-lived' na relasyon ang dalawang kapamilya star ngunit muli silang nagkasama sa pelikulang "How to Be Yours" noong 2016.

Samantala, natanong din si Bea ng "The man you're going to marry, is his name Gerald?

"I don't know tito Boy, still, I don't know!" diretsahang sagot ni Bea.

Si Bea ay magbibida sa pelikulang "Kasal" kasama sina Paolo Avelino at Derek Ramsey.

Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? 1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel