Alexa Ilacad, nagtapos sa high school sa kabila ng hirap sa pagsasabay sa trabaho at pag-aaral

Alexa Ilacad, nagtapos sa high school sa kabila ng hirap sa pagsasabay sa trabaho at pag-aaral

- Nagtapos kamakailan ang aktres na si Alexa Ilacad sa high school

- Buong pagmamalaki niyang ibinahagi ang kanyang tagumpay sa kanyang Instagram account

- Kahit pa nahirapan siya sa pagsabay sa pag-aartista at pag-aaral, masaya siyang kinaya niyang magtapos sa Senior High

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagtapos na sa high school ang aktres na si Alexa Ilacad. Ibinahagi niya ang magandang balitang ito sa pamamagitan ng kanyang Instagram.

Masaya niyang tinanggap ang katunayan ng pagtatapos sa Treston International College nitong ika-12 ng Marso. Kitang-kita ang kanyang kasiyahan sa natamong tagumpay.

Ayon sa aktres, naging mahirap para sa kanya ang pagsabayin ang kanyang pag-aartista at pag-aaral. Sa katunayan daw ay may mga panahon na muntik na siyang bumigay. "Estudyante sa umaga.... pero pag may taping, absent muna. (Sorry for the long graduation post).

Isinalaysay niya ang kanyang hirap sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Instagram. "During my senior high journey, there were so many nights when I wanted to go crazy and give up.

Nahirapan siyang mag concentrate sa pag-aaral lalo at lagi siyang pagod sa taping.

May mga pagkakataon pa daw na hindi siya nakakapasok dahil sa kanyang schedule sa showbiz.

Gayunpaman, may mga panahon na nakaramdam siya ng panhihinayang dahil; di niya daw naabot ang standard na nais niyang abutin sa kanyang pag-aaral.

Galak na galak siya at kinaya niya ang lahat at proud daw siya sa kanyang naabot.

Hindi rin niya kinalimutang pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay.

Pinasalamatan niya din ang kanyang pamilya lalong lalo na ang kanyang mga magulang.

Si Alexa Ilacad o Alexandra Madarang Ilacad sa totoong buhay ay isang Filipina actress, singer at dancer. Naging bahagi siya ng mga TV commercials at palabas sa Kapamilya network. Siya ay nag-umpisa at naging parte ng Goin' Bulilit.

1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines- on HumanMeter

How much do you know the about the Philippine heroes? Check out this video about a social experiment on how much the society knows about this.

Source: Kami.com.ph

Related news
Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel