Hugot? Janno Gibbs, nagsorry sa mga 'kapalpakan' niyang ginawa sa kanyang buhay

Hugot? Janno Gibbs, nagsorry sa mga 'kapalpakan' niyang ginawa sa kanyang buhay

- May pinagdadaanan daw si Janno GIbbs dahil sa binurang post niya sa kanyang instagram account

- Humingi ng paumanhin si Janno sa taong di naman niya pinangalanan dahil di umano sa mga kapalpakan niyang nagawa sa kanyang buhay

- Nagkomento pa nga ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya para lamang magbigay suporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bagaman at agad na binura ni Janno Gibbs ang kanyang instagram post, marami ang nakakita at naalarma dahil tila may pinagdadaanan na naman ito.

Ayon sa Abante, nagpost ang asinger actor ng “Sorry for being so f***** up. Sorry for being such a failure. Sorry for being such a disgrace. Sorry for being me.”

Nalaman ng KAMI na dinagdagan pa niya ito ng @jannolategibbs, “Lately, I mess up everythong (everything) I do,” sa comments section ng kanyang post.

Naisip tuloy ng ilan na marahil patungkol ito sa kanyang pamilya o sa career niya ngunit bakit "failure" pa rin ang tingin niya sa sarili?

Naka-tag pa ang kanyang misis na si Bing Loyzaga at ang kanilang dalawang anak.

Bago pa man tuluyang mabura ang kanyang post, nakapagkomento pa sina Gabby Eigenmann at Ogie Alcasid na mga maituturing na malalapit na kaibigan ni Janno sa showbiz.

“My dear bro @jannolategibbs pare-pareho lang tayo. Love you bro,” sulat ni Ogie.

“Labyu Parekoy” ang pagbibigay naman ng lakas ng loob ni GAbby Eigenmann.

Enero ng taong ito, nagkaroon siya ng comeback album na may pinamagatang "Nagbabalik"

Laking tuwa pa nga ni Janno dahil nakasama niya sa ilang kanta ang kanyang mga anak dahil magagaling na singer din ang mga ito.

Si Janno ay naging bahagi din ng Kapamilya teleserye, Ang Probinsyano. This video is to pay tribute to Aubrey and to raise awareness about the depression on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel