Bettinna Carlos, binahagi ang emosyonal na pinagdaanan sa kanyang di inaasahang pagbubuntis

Bettinna Carlos, binahagi ang emosyonal na pinagdaanan sa kanyang di inaasahang pagbubuntis

- Naikwento ni Bettina ang kanyang emosyonal na pinagdaanan sa kanyang pagbubuntis na di inaasahan

- Inisip pa niya na baka pinarurusahan daw siya ng Diyos kaya ito nangyare

- Sa ngayon, isa sa mga proud hands-on mom si Bettina ng kanyang anak na si Gummy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Alam na alam ng mga fans ni Bettina Carlos na lahat ay handa niyang gawin para sa kanyang anak na si Gummy.

Si Gummy kasi ang nagmistulang 'life-changer' kay Bettina na umaming siya ay 'pasaway' bago dumating ang kanyang anak sa kanyang buhay.

Nalaman ng KAMI na dati pala, yosi at inom ang buhay ni Bettina ngunit talagang inalis niya ito sa kanyang sistema nang malaman niya na siya ay buntis.

"Sabi ko, Lord, baka pinaparusahan mo lang ako. I'm not ready. Pero kung talagang binibigay mo ito sa akin, tatanggapin ko na siya nang buong-buo," bungad ni Bettina.

Kwento pa ni Bettina, gusto raw sana niyang maranasana ang mag-labor ngunit siya naman ay kinailangang ma-cesarean section.

"When I was pregnant, gusto ko ngang maramdaman yung labor, [kaso] na-CS ako. I believe it's supposed to be painful enough na talagang iiiri mo para lumabas yung bata.

"Gusto kong ma-experience yung [nakikita mo] sa pelikula, na puputok ang panubigan. Kaya gusto ko ulit ng anak."

Sinabi rin ni Bettina na nung una niyang nalaman na siya ay buntis, di pa siya makapaniwala.

"Parang malabo yung isa, hindi, yan yun. Basta may guhit, yan yun," ani Bettina na tila in-denial pa sa mga pangyayari.

Dagdag pa ni Bettina, di pa niya talaga boyfriend noon ang ama ng bata at isang taon nalang ay magtatapos na sana siya ng kolehiyo nang nangyari ito.

"Dalawa na yung test kit ko, parehong may guhit. Parang gusto ko pang pumangatlo, pero parang ito na talaga. Ang aga nyang dumating."

Ipinanganak ni Bettina si Amanda Lucia na may ibig sabihin na tagapaghatid ng kasiyahan, tagapagbigay ng liwanag na siyang bagay na bagay sa bata.

Binigay niyang palayaw ang 'Gummy' dahil noong unang ultrasound niya, hinalintulad ng doktor ang baby sa laki ng kending 'gummy bears.'

Sa loob ng pitong taon, ngayon lamang binahagi ni Bettina ang rebelasyong ito tungkol sa kanyang pagdadalang tao nang wala sa oras.

Ngunit ngayon, halos di na mapaghiwalay ang mag-inang sina Bettina at Gummy.

Pinanindigan niya ang pagiging single mother niya sa kanyang anak na siyang iniikutan ng buong buhay niya ngayon.

Do you think you will be able to name all of these individuals on the bill? 1000 Peso! Who Are They? Tricky Questions at University of the Philippines | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID

Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID

Anyare sa Chinita Princess? Kim Chiu naaksidente sa daan matapos banggain ng bus driver na walang lisensya at company ID
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel