Bongga talaga! Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano, tumataginting na 200 million daw ang budget

Bongga talaga! Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano, tumataginting na 200 million daw ang budget

- Pinaghahandaang mabuti ang bagong pelikula ng 'Darna' na pagbibidahan ni Liza Soberano

- Maugong ang balita tumataginting na 200 million daw ang budget ng naturang pelikula

- Malakas daw ang loob ni Liza Soberano dahil wala raw itong ka-dobol kahit sa mga gagawing stunts

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami na ang nasasabik sa paglabas ng bagong Darna na pagbibidahan ng napakagandang si Liza Soberano.

Nalaman ng KAMI na nagsisimula na pala ang shooting para sa naturang pelikula.

Ayon pa sa Pep, nakapanayam nila ang direkto nito na si Direk Erik Matti at tinanong nila kung totoo ang balitang tumataginting na 200 million ang nakalaan na budget para sa bagong 'Darna'

Napangiti lamang ang batikang direktor at sinabing di pa siya maaring magbigay ng mga detalye tungkol dito.

"Hindi ko alam kung gaano karami ang masasabi ko, gaano ang hindi," ani Direk Erik.

"Basta nag-shoot na kami. in full swing na pero nagtitraining pa rin."

"Hinahabol kasi namin na walang double ang mga stunts na gagawin ni Liza"

"Malakas kasi ang loob ni Liza. Matapang siya," dagdag pa ng direktor.

Samantala, di pa rin maaring sabihin ni Direk Erik ang iba pang gaganap sa pelikulang Darna basta ang masasabi niya ay isa itong malaking produksyon.

"The challenge now is to make it a superhero film that's appropriate for all the superhero films that's been coming out the past decade," paliwanang ng direktor.

" We are really coming up with a super hero story. With a lot of heart, with a bit of humor," dagdag pa niya.

"Because di natin ma-afford sa resources, idinaan na lang sa pa-kenkoy, sa costume okey okey na lang yun."

"Ito talaga ang challenge, to do a real superhero film" pagtatapos ni Direk Erik.

Matatandaang si Angel Locsin pa rin sana ang gaganap na Darna ngunit dahil sa kanyang kalusugan, di na siya maaring makagawa pa ng mga stunts para sa kanyang karakter.

Naging matinding palaisipinan noon kung kuno ang Darna hanggang sa Mayo ng nakaraang taon kinumpirma na si Liza Soberano na ang opisyal na bagong Darna.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano

Never sold?! Neverland ni Michael Jackson hindi mabenta benta umano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel