Carrot man Jeyrick Sigmaton, sasabak muli sa showbiz sa kabila ng mga di magandang karanasan sa industriya

Carrot man Jeyrick Sigmaton, sasabak muli sa showbiz sa kabila ng mga di magandang karanasan sa industriya

- Si Jeyrick Sigmaton na mas kilala bilang si Carrot Man ay nagpaparamdam muli at balak bumalik sa showbiz

- Sumailalim si Jeyrick sa workshop bilang paghahanda sa pagsabak sa showbiz

- Di maganda ang naging karanasan niya sa unang subok niya sa showbiz dahil sa dami ng nakialam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumailalim sa acting workshop si Jeyrick Sigmaton mas kilala bilang si Carrot Man.

Nalaman ng KAMI na balak pala niyang sumabak muli sa showbiz kaya naman pinaghahandaan niya ito.

Ayon sa Pep, naabutan daw nila si Carrot Man na luhaan sa acting workshop niya noong Mayo 12.

Pinalakpakan daw siya roon ng husto dahil sineryoso niya talaga ang workshop.

"E dito ko nalaman na ganoon pala ang ang workshop maging emotional or ideal," panimula ni Carrot Man.

Tinanong siya kung ano ang inisip niya para madali siyang maiyak.

"Wala lang po, yung buhay namin sa proinsya noon," sagot ni Jeyrick.

"Kasi po yung kapatid kong pinag-aral noon, wala, tinakbuhan lang ako,"

"Maagang nag-asawa, 18 siya noon ngayon 21 na," kwento ni Jeyrick.

Panay naman ang puri sa kanya ng facilitator ng ng workshop na si Jigz Recto, "Well he was good, he was sincere, he was honest, kaya gusto ko siya."

"Iyong emotions raw, saka he has a nice voice, nice singing voice."

Maalalang minsang nang sumabak sa showbiz si Carrot Man. Napabalita pa nga na pinag-agawan pa siya ng dalawang malaking network hanggang sa napapirma na siya ng GMA network ng anim na buwang kontrata.

Ngunit naudlot daw ito sa dami ng nakialam gaya na lamang ng pulitiko sa lugar nila, mga sumulsol sa tatay niya ay ang masaklap, may na-obsess sa kanyan na staff ng GMA.

Dahil sa mga nangyare, minabuti ni Jeyrick na bumalik nalang sa kanilang probinsya dahil mas gusto nila ang matahimik na buhay.

Si Jeyrick ang tinaguriang Carrot Man ng Mountain Province.

Nakunan siya ng piktyur habang naghahakot ng mga carrot sa trak at naging viral noong 2016

Naging endorser din siya ng Boardwalk, isang local brand ng iba't ibang kasuotan.

Be amaze with this young Pinoy artist's extraordinary artwork. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6

Rarampa na! Dalawang Pinay ang kasali sa Asia's Next Top Model Cycle 6
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel