11 Celebrity mommies na proud sa kanilang ganda kahit walang make-up

11 Celebrity mommies na proud sa kanilang ganda kahit walang make-up

- Sila ang mga nanay na hindi takot magbahagi ng kanilang larawan na walang make-up

- Buo pa rin ang tiwala nila sa sarili na kahit walang make-up mamahalin pa rin sila ng kanilang mga tagahanga

- Ngunit ang iba sa kanila ay nakatanggap ng mga komento na bilang artista, dapat daw na lagi silang nakaayos, bagay na sinagot naman nila sa maayos na paraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang artista, inaasahan talaga sa kanila na lagi silang nakaayos, magaganda ang damit, maayos na pangangatawan, at higit sa lahat, di nawawalan ng make-up.

Lalo pa at nanay ka na.Doble doble ang pagsisikap nila na magmukha paring fabulosa kahit nanganak na.

Nalaman ng KAMI na ang mga celebrity moms na ito ay di natakot na magbahagi ng larawan nila na walang make up, walang ayos pero buong buo pa rin ang ngiti at 'confident pa rin na tatanggapin sila ng kanilang mga fans ano pa manang kanilang hitsura.

Nakalap ng pep ang iba't ibang larawan ng mga dakilang ina sa showbiz na napakaganda pa ring tingnan kahit walang ayos, walang make-up

1. Divine Diva, Zsa Zsa Padilla at ang Megastar Sharon Cuneta

Nag-post sa kanyang instagram si Ate Shawie ng larawan nila ni Zsa Zsa Padilla na parehong walang make-up.

Nilagyan niya ito ng caption na ""Si Zsa Zsa mukha nang artista. Ako magme-makeup pa. Hahahaha! Mga nene poreber."

mahigit dalawang dekada na silang magkaibigan.

Ngunit sa isang video ni Zsa Zsa kung saan di rin siya nakaayos, isang netizen ang pumuna sa kanya at nagsabi na kita na ang edad niya sa kanyang mga kamay

Sagot naman ng 53 taong gulang na singer actress, "Why should growing old be thrown as an insult to women? Please don't shame me for aging."

2. Judy Ann Santos

Isa sa pinakabagong instagram post ni Juday ay pinuna rin ng isang basher dahil sa wala di daw siya nakaayos.

"You know you are not a star when you have no make up. Go [to] the BATHROOM, fix yourself.”

Paliwanag naman ni Juday, "Sorry naman... but I dont wear make up when I'm not working, more so pag asa bahay lang ako at bagong gising."

3. Isa rin si Toni Gonzaga sa malakas ang loob na magbahagi ng larawan niyang walang make-up ngunit napaka-elegante pa rin iyang tingnan.

4. Si Pauleen Luna na isa sa mga bagong mommy ng showbiz na madalas walang ayos pag kasama ang kanyang baby Tali ngunit napaka-aliwalas pa rin niyang tingnan at kitang kita ang kaligayahan niya sa pagiging bagong mommy.

5. Pag wala si Iya Villania sa trabaho, di na rin niya nilalagyan ng anumang make-up ang kanyang mukha ngunit lumulutang parin ang kanyang ganda lalo pag kasama na niya si baby Primo.

6. Inamin kamakailan ni Mariel Padilla na nawalan siya ng tiwala sa sarili nang siya ay nadagdagan ang timbang nang nanganak siya sa kanyang baby Isabella.

Ngunit ngayon tila naibalik na niya ang dating pangangatawan at di pa rin nawawala ang natural niyang ganda kahit walang make-up.

7. Di rin alintana kay Isabelle Daza ang kawalan niya ng make-up lalo na ngayon na tutok na tutok siya sa kanyang baby boy.

8. Nagpost din ng piktyur si Katrina Halili na walang make up pero litaw na litaw pa rin ang ganda nilang mag-ina ng kanyang only girl na si Katie.

9. Minsan kahit nasa trabaho, napaka-light lamang ng make-up ni Dimple Romana.

Lalo na pag walang trabaho, kasama ang kanyang mga anak, Litaw ang natural na ganda ni Mommy Dimples.

10. Ang Wais na Misis ni Chito Miranda, walang iba kundi si Neri Miranda ay may sarili niyang 'glow' kahit madalas nang walang make-up. Tunay na kahanga-hanga si Neri sa kanyang abilidad na gawin ang mga bagay na kanyang ginagawa. Kaya naman lalo siyang gumaganda.

Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two? To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) | Kami Stories on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel