Ito ang totoong mayaman! Manny at Jinkee Pacquiao, pinasilip ang kanilang napaka-bonggang walk-in closets

Ito ang totoong mayaman! Manny at Jinkee Pacquiao, pinasilip ang kanilang napaka-bonggang walk-in closets

- Ipinasilip nina Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang naglalakihang walk-in closets

- Talaga namang punong-puno ito ng mga branded at mamahalin na gamit

- May sarili pang shampoo chair si Jinkee para sa treatment ng kanyang buhok

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi talaga magpapahuli ang three-story mansion ng mga Pacquiao sa Makati.

Nalaman ng KAMI na ipinasilip ng mag-asawang sina Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang naglalakihang mga walk-in closets.

Ayon sa ulat ng PEP, ito ay na-feature noong January 2018 sa YES! Magazine. Magkabukod ang walk-in closet nina Jinkee at Manny. Maganda ito dahil may sari-sarili silang personal space at para hindi magkahalo-halo ang mga gamit nila.

Makikita sa video na ito mula sa YouTube ng The Pinoy Channel ang walk-in closet ni Jinkee na may sarili pang TV at mga upuan kung saan puwede ka mag-relax. Makikita din ang mga hindi mabilang na boxes ng Hermes products na paborito niya. Meron ding mga montion-sensor lights na naka-install sa mga cabinets ni Jinkee.

Matatagpuan din ang isang shampoo chair na para sa mga hair treatment ni Jinkee.

Sa kabilang banda ay ang walk-in closet naman ni Pacman. Makikita dito ang koleksyon niya ng mga designer shoes. Kitang-kita din kung gaano kaayos ang mga necktie at mga damit ng senador.

Watch the video below:

Ikinasal sina Manny at Jinkee Pacquiao noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel. Si Jinkee ay nagta-trabaho bilang isang beauty consultant ng makilala niya si Manny.

Si Manny ay idineklara bilang "Fighter of the Decade" ng Boxing Writers Association of America (BWAA), WBC, at WBO.

Workout at work, really? Yes! We are sure, that there are no wrong places for workouts for those ladies who want to keep in shape. And even a workplace can be transformed into the gym. In this episode of BeKami, amazing Chrystally, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work.

3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystall? - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel