Jake Zyrus, nagsalita na tungkol sa pagtanggi raw ni Celine Dion na maka-duet siya

Jake Zyrus, nagsalita na tungkol sa pagtanggi raw ni Celine Dion na maka-duet siya

- Sa Hulyo 19 at 20, kasado na ang concert ni Celine Dion dito sa bansa

- Naunang napabalita na tumanggi daw di umano ang International Singer na maka-dute si Jake Zyrus dahil mas interesado sila sa talento ni Charice Pempengco

- Binigyang linaw ni Jake ang mga nababalitang ito at nag-anunsiyo na may makaka-duet naman daw silang international artist din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas si Jake Zyrus tungkol sa bali-balita na tinanggihan di umano siya ni Celine Dion na maka-duet sa darating na concert nito sa Hulyo 19 at 20 dito sa bansa.

Nalaman ng KAMI na nauna nang binalita na tumanggi raw ang international singer kay Jake Zyrus dahil mas interesado sila sa talento ni Charice Pempengco.

Jake Zyrus, nagsalita na tungkol sa pagtanggi raw ni Celine Dion na maka-duet siya

image: mb.com.ph

Ayon sa philnews, sa isang panayam kay Jake wala nama daw problema sa kanya kung maiimbitahan siya para maka-duet ang Canadian Singer.

Bagaman at wala pa ring kasiguraduhan ito, kinumpirma naman ni Jake na isang pinay International singer ang siguradong makaka-duet niya.

"Di ko po alam. Pero matutuloy duet namin ni Jessica, kami po ni Jessica. Well, if ever kung matuloy… dalawang ano lang naman po ‘yun sa akin, eh. Kung halimbawa kami pong dalawa ay may (duet), siyempre naman po it’d be an honor,” kwento ni Jake.

“Ang dami kong nakikita na mga young new belters out there na sobrang nakikita ko ‘yung bright future nila. Eh minsan, iniimagine ko na kung anong naramdaman ko noon, when I was that kid, that little girl with the long hair, na to be on the same stage with Miss Celine Dion, of course gusto kong mai-share ‘yung feeling na ‘yun na isa sa mga bata na maka-duet yung iniidolo nila,” dagdag pa niya.

'Music and Me' concert ang tinutukoy na show ni Charice kung saan makaka-duet niya si Jessica Sanchez.

Si Jessica Sanchez ay produkto ng American Idol kung saan siya ay nahirang na 1st runner up noong 2011.

Bagaman at hindi siya ang pinalad na maging champion ngunit nakaroon pa rin siya ng singing career sa US.

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong local guest performer si Celine Dion sa cncert niya dito sa Pinas.

Maalala na si bago pa maging siya naging si Jake, marami na ring naka-duet ang dating si 'Charice' local o international singers man.

Setyembre 15 ng taong 2008 nang nakasama ni 'Charice' si Celine Dion sa isang entablado para sa isang duet sa madison Square Garden in New York City.

Doon humanga lalo si Celine Dion kay harice nang nakipagsabayan ito ng biritan sa kanya.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano

Binuking ni ate! Kris Aquino, reveals Angel Locsin purchased a "dream home" with ex-BF Luis Manzano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel