Gusto pa sanang ilihim! Heart Evangelista, nagbigay ng detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang video interview

Gusto pa sanang ilihim! Heart Evangelista, nagbigay ng detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis sa isang video interview

- Isang araw bago ang Mother's day, inanunsyo ni Heart Evangelista at asawang Chiz Escudero ang kanilang pagbubuntis sa pamamagitan ng isang instagram post

- Isang video interview rin ang lumabas patungkol sa sa iba pang mahahalagang detalye ng pagbubuntis ni heart

- Bagaman at gusto nila sanang ilihim pa ito ngunit excited na rin silang mag-asawa na ihayag ang napaka-gandang balita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang napakagandang balita ang hinayag nina Heart Evangelista at asawang si Sen. Chiz Escudero isang araw bago ang Araw ng mga ina.

Nalaman ng KAMI na inabot pa ng mahigit isang taon bago pa sila mabibiyayaan ng supling na sobrang ikinatuwa ng mag-asawa.

Sa isang exclusive interview kay Heart ng Manila Bulletin na binahagi rin ng cosmo.ph, inilatag niya ang mga detalye ng kanyang pagbubuntis.

Nilarawan ni Heart ang kanyang pagbubuntis na "super terrified and scared but excited at the same time."

Bungad ni Heart, tatlong buwanang kanilang hinintay bago tuluyang nabuntis ang Kapuso actress.

"I still consider myself very lucky because we tried for three months [before] I got pregnant. And so I was really shocked that, 'Oh my god, I got pregnant.' And that was the time that I was working out a lot, and you know, so I didn’t really think that I was going to get pregnant," pahayag ni Heart.

Ikinagulat daw ni Heart ang todo todong suporta na binibigay sa kanya ng asawa na si Chiz.

"I never really thought that I would, you know, have him with me all the time. I'm pretty independent in terms of doing things; I just like to do things on my own. But [Chiz] was very, very supportive. And even [with] just getting my blood test, he also took a blood test because I hate needles. He didn't really need to get a blood test, but he still took a blood test so I didn’t feel alone," kwento ni Heart.

Isa pa sa kinagulat ni Heart ang pagiging mas sweet pa ng kanyang asawa ngayong siya ay buntis na.

"He was sweet before; he’s even sweeter now. I must say, I’m really enjoying the perks of being pregnant," natutuwang kwento ng misis ni Sen.Chiz.

Naikwento ni Heart na gusto sana muna nila itong ilihim ng konti pang panahon sa publiko, ngunit naisip nila na baka lalo lang maging kumplikado ang lahat.

"I also needed to ask advice because, you know, there are certain things that I’m supposed to do that I can’t do. So how do I tell people that I can’t go to this thing, that I can’t join the marathon, or whatever. So I had to tell them," paliwanag ni Heart.

Sa ngayon di pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak ngunit may disenyo na na'neutral colors' ang kwarto ng kanilang baby na nilarawan ni Heart na "very classic."

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa facebook ng Manila Bulletin.

Sa palagay ni Heart magiging isang modernong ina raw siya sa kanyang unang anak.

"I feel that I’m going to be a modern, modern mom. I'm not going to forget about my dreams. I’m going to dream with my baby. I’m going to teach her how it’s done," ani Heart.

Maging ang isa pang pinagtutuunan niya ng pansin ngayon na pagpipinta ay maiisang tabi muna ng aktres.

"When you’re pregnant, there are certain things that you don’t feel like doing, and I don’t feel like painting. So I’m kind of having a problem, because it’s just gone. I just want to sleep all day, every day, and watch TV," dagdag pa ng aktres.

Ngayon, tutok talaga ang kapuso aktres sa kanyang pagbubuntis.

Matapo ang huling teleserye niya sa Kapuso network na 'My Korean Jagiya', nagpahinga muna si Heart upang bigyang daan ang kanilang pagbuo ng pamilya.

"I’ve lived a full time, so I feel like I have so much, like I have so many stories to share and experiences. I’m excited. I’m excited for my child. It’s going to be a fun life," pagtatapos ni Heart.

Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two? To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) | Kami Stories on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message

Text lang pala katapat nila! Sila ang mga celebs na binreak ng mga jowa sa pamamagitan ng text message
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel