Suplado raw? Ian Veneracion, nagpaliwanag kumbakit ayaw niyang makipag-selfie sa fans

Suplado raw? Ian Veneracion, nagpaliwanag kumbakit ayaw niyang makipag-selfie sa fans

- Hangga't maari, ayaw ng basta selfie lang ang gagawin ni Ian sa kanyang fans

- Ayon sa 43 taong gulang na aktor, wala raw kasing koneksyon sa fans kung 'selfie lamang ang kanilang gagawin

- Naghahanda na si Ian para sa kanyang concert na "Ian in 3 acts" na gaganapin sa Resort's World Manila sa darating na Mayo 13

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di naman sa isnabero si ang 43 taong gulang na aktor na si Ian Veneracion ngunit may mabigat siyang dahilan kumbakit ayaw niyang makipag-'selfie' sa fans.

Nalaman ng KAMI na para kay Ian, walang totoong koneksyon sa fans kung magpapakuha ito ng selfie sa kanya.

Ayon sa ABS-CBN, mas gugustuhin paraw ng aktor na mayakap ang kanyang mga fans kaysa kumuha ng selfie.

"I’d rather have hugs than selfies. May connection,” the 43-year-old heartthrob said as he prepares for his “Ian in 3 Acts” concert at Resorts World Manila, happening this Sunday. “If only I could turn those selfies into hugs, I’d be the happiest person in showbiz,"ani Ian.

Kasi when you’re having selfies, it’s just you and the screen on your cellphones. All the time, the one taking the picture is not even looking at you,” he said, demonstrating how a selfie-taker would request for photo op, raising an imaginary cellphone and looking at the screen all the time. “Then it’s over. No connection at all," dagdag pa niya.

Sa panahon ngayon kung saan nagpapakuha ka ng larawan sa iyong idolo para lamang i-upload ito sa kanilang social media para lamang malaman kung gaano karaming magbibigay komento o reaksyon.

Dahil dito, inamin ni Ian na siya ay isang emosyonal na tao kaya naman para sa kanya, kung ikaw ay isang totoong fan, ang mayakap, makausap at makaharap ang iyong idolo ay mas mahalaga kaysa magkaroon ng selfie o larawan kasama nila.

Isa pa sa mga rebelasyon ni Ian ay ang atensyon na binibigay sa kanilang mga artista. Depende kasi ito sa sitwasyon.

"When I’m working I enjoy the attention. When I’m not, I don’t. When I’m riding my bike, hindi pa ako nagsusuklay, amoy araw. When I’m having dinner with my kids, hindi naman sila showbiz. Kung may mag-approach, minsan I beg off," paliwanag niya.

Isa kasing di niya malilimutang pangyayare sa kanila ng isang fan ay nang sila ay nasa isang libing ngunit lumapit pa rin ito para makipag-selfie sa kanya.

"Hey c’mon. That’s so awkward. Can I cry first?”sabi ni Ian sa gustong magpa-picture sa kanya.

Minsan naman, siya na mismo ang nang-aalok ng 'hug' para naman di tuluyang mapahiya ang kanyang tagahanga.

Unang napanood si Ian sa Cebu na parte rin ng kanyang "Ian in 3 acts" concert.

Ngunit, mas mahaba daw ang show sa Resorts World Manila dahil sa kanyang special guest na si Vina Morales.

Di lingid sa kaalaman ng iba na si Ian ay isa ring musikero. Bukod sa pagkanta, nakakatugtog din siya ng mga instrumento gaya ng gitara at piano.

Maliban sa pag-arte, Musika rin ang isa sa mga importanteng bagay ng kanyang buhay.

Mapapanood si Ian sa Resorts World Manila sa Mayo 13.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel