6 local celebrity moms na mga 'first time' mababati ng "Happy Mother's day!"

6 local celebrity moms na mga 'first time' mababati ng "Happy Mother's day!"

- Sila ang mga 'first time mommies' na unang beses din na mararanasan na mababati ng 'Happy mothers day' ngayong taon

- Super proud ang mga nanay na ito na karamihan ay iniwan pansumandali ang showbiz para mabigyan ng sapat na oras ang kanyang mga anak

- Excited ang mga nanay na ito na panay ang pagbabahagi ng kanilang 'buhay nanay' sa kanilang social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang pagsidlan ang kaligayahan ng mga 'first time' mommies na ito mula nang dmating sa buhay nila ang kanilang mga anak.

Ngayong taon espesyal sa kanila ang 'Mother's day' dahil unang beses nilang mararanasang mabati sa araw na ito.

Nalaman ng KAMI na bagaman at ang ilan sa kanila ay tinago pa ang pagbubuntis, pero ngayon kasa-kasama na nila ang kanilang muting anghel, walang humpay ang pagbabahagi nila ng masasayang araw na kasama nila ang mga ito.

Ayon sa ABS-CBN, narito ang mga first time moms na magdiriwang na rin ng Mother's day ngayong taon.

1. Liz Uy

Natunaw ang puso ng celebrity Stylist na si Liz Uy nang makatanggap siya ng paunang pagbati para sa 'Araw ng mga nanay' mula sa isang follower.

2. Isabelle Daza

Kapapanganak pa lang noong Abril ng kaibigan ni Liz Uy na si Isabelle Daza na very hands-on sa unang baby nila ni Adrian Semblat.

3. Saab Magalona

Napaka-gandang mother's day gift para kay Saab at sa kanyang asawa na si Jim ang matagumpay na operasyon ng kanyang baby Pancho na tinanggalan ng catheter sa anit na siyang ginamit para tanggalin ang pressure sa kanyang utak.

4. Kaye Abad

Espesyal ang mother's day para kay Kaye dahil mas pinili talaga niyang isantabi muna ang showbiz para mas matutukanang kanyang baby Joaquin.

5. Nikki Gil

Enjoy na enjoy ang first time mom na si Nikki sa kanyang munting anghel na si baby Finn. Isa rin si Nikki na nagpahinga muna sa showbiz para sa kanyang pamilya.

6. Pauleen Luna

Bagaman at nakabalik na muli sa Eat Bulaga si Poleng, sinisigurado pa rin niya na naasikaso niya ang kanyang baby Tali.

Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two? To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel