Defensive ba? Loisa Andalio, inaming tinawagan siya ni Julia Barretto para magpaliwanag tungkol sa mga kontrobersyal na tweets

Defensive ba? Loisa Andalio, inaming tinawagan siya ni Julia Barretto para magpaliwanag tungkol sa mga kontrobersyal na tweets

- Nagsalita na si Loisa Andalio tungkol sa iringan umano nila ni Julia Barreto

- Ikuwnento niya kung paano sila nag-usap ni Julia sa pamamagitan ng isang phone call

- Maayos naman daw ang pakikitungo nila sa isa't-isa at walang anumang iringan na nagaganap sa pagitan ng dalawang aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na si Loisa Andalio tungkol sa iringan umano nila ni Julia Barreto. Ito ay kaugnay pa din sa isyu ng pagiging magkarelasyon umano ni Julia kay Joshua Garcia, na dating ka-love team at rumored boyfriend ni Loisa.

Sa kaniyang interview sa Tonight with Boy Abunda, ikuwnento niya kung paano sila nag-usap ni Julia sa pamamagitan ng isang phone call.

“Yes po, Tito Boy. Gabi po yun.” Kwento niya kung paano nangyari ang pag-uusap, “Una tumawag po siya, medyo late na po yun kaya hindi ko na nabasa. Tapos sinabi niya na, ‘Hi Loisa. This is Julia’ ganyan.

Sabi niya, ‘Can I call you?’ [Tinanong ko] bakit. Sabi niya gusto lang daw niyang i-explain yung mga tweet na hindi daw po yun para sa akin. Sabi ko naman po sa kanya na okay lang yun sa akin wala yun. Kasi hindi ko rin naman inisip na para sa akin yun. Yung tsineck ko nakita ko lang na may nagtatag lang sa akin.”

Nang tanungin kung sa text lang sila nag-usap, sinabi ni Loisa na oo dahil, “May work po ako nun, simpleng patext-text lang po.”

Nagtapos naman daw ang pag-uusap nila ni Julia ng maayos dahil, “Sinabi rin namin na wag kaming magpapa-apekto sa mga fans kasi kami Tito Boy sobrang okay po talaga kami na pag nagkikita po kami nagbabatian kami.”

Ipinahayag din ni Loisa na minsan ay dismayado siya sa asal ng fans online. Noong nakaraan ay nagkaroon ang mga 'LoiYals' ng fan wars laban sa fans ni Julia. Ayon sa aktres, hindi niya kinukunsinte ang fans sa maling gawain nila sa social media.

“Hindi ko po talaga kinukunsinti yung pag-aaway nila sa social media. Ako po Tito Boy talaga personally sinasabi ko sa kanila na good vibes lang. Dapat kayo maging sensitive sa mga tweet niyo kasi may mga tao na naapektuhan," pahayag ni Loisa.fan wars na naganap sa mga fans niya at fans ni Julia Barretto sa Twitter.

Nang kumustahin naman sila ni Joshua Garcia, sinabi ng aktres na casual naman ang kanilang samahan at purong professional lamang.

“Okay naman po kami pag nagkakasama po kami sa The Good Son. Habang mas tumatagal yung show mas nagiging kumportable din po kami.”

Masaya naman daw ang estado ng puso ni Loisa ngayon, dahil na din sa ka-love team at rumored boyfriend na si Ronnie Alonte. Matagumpay din ang kanilang Wansapanataym episodes. Tumanggap din si Loisa ng award mula sa Gawad Tanglaw.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol

Selfish daw! Daniel Matsunaga, binatikos ng netizens dahil sa post matapos makabundol
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel