"Hindi ka pa magiging lola soon" Daniel Padilla, binahagi na hindi apo ang Mothers' Day gift kay Karla Estrada

"Hindi ka pa magiging lola soon" Daniel Padilla, binahagi na hindi apo ang Mothers' Day gift kay Karla Estrada

- Wala pa sa plano ni Daniel Padilla ang magka-anak at bigyan ng apo ang inang si Karla Estrada

- Sa kaniyang guesting sa "Magandang Buhay", binati ng magkapatid na Daniel at JC ang kanilang momshie para sa paparating na Mothers' Day

- Ipinangako nila na magiging mabait at maaasahan silang anak ng kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Hindi ka magiging lola soon."

Ito ang pinangako ni Daniel Padilla sa kaniyang ina na si Karla Estrada.

Sa Mother's Day Special ng kaniyang talk show na "Magandang Buhay", binisita si Karla ng kaniyang mga anak na sina Daniel, kasama ang kapatid nito na si Jose Carlito, o JC.

Nang matanong kung ano ang pangako nila para sa kanilang inang si Karla, sagot ni Daniel: "Ma, pina-promse namin sa iyo ni Carlito na hindi ka pa magiging lola soon."

Maliban sa pagiging mabuting anak na pangako ng kanyang kapatid na si JC, idinagdag din ni Daniel na ipagpapatuloy ang turo ng ina na maging inspirasyon at makatulong sa iba.

"Hindi lang mabuti, magiging malulupit kaming mga anak. Kami ni Carlito handa kami ngayon dahil sa mga natutunan namin sa iyo. Now, siyempre lumalaki na rin kami. Ang pina-promise naming dalawa ay marami kaming mai-inspire at matutulungan, at siguro mga matuturuan at kami rin mismo ay matuturuan din kami. Ganoon kaming lalaki, Ma. Huwag kang mag-alala sa amin, steady lang kami," dagdag ni Daniel.

Natuwa naman si Karla sa mga mensahe ng mga anak, na hindi naitago ang emosyon sa set. "I love that promise... Thank you mga anak," sagot naman ni Karla. 


"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Ouch naman! Bugoy Drilon admits ex-gf Liezel Garcia & her fiancé met because of him

Ouch naman! Bugoy Drilon admits ex-gf Liezel Garcia & her fiancé met because of him

Ouch naman! Bugoy Drilon admits ex-gf Liezel Garcia & her fiancé met because of him
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel