Seen lang daw? KZ Tandigan, inimbitahan ang International artist na si Jessie J para sa kanyang concert

Seen lang daw? KZ Tandigan, inimbitahan ang International artist na si Jessie J para sa kanyang concert

- Magkakaroon ng solo concert ang Soul Supreme na si KZ Tandingan sa Hunyo 22

- Sinubukan daw ni KZ naimbitahin ang kanyang idolo at nakasama sa Singer 2018 na si Jessie J

- Kapipirma pa lang muli ni KZ Tandingan ng panibagong '3-year' Kapamilya contract

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang Singer 2018, naghahanda naman ngayon ang nag-iisang Soul Supreme na si KZ Tandingan.

Nalaman ng KAMI na sinubukan daw i-text ni KZ ang kanyang idolo na nakasama rin sa Singer 2018 na si Jessie J.

Sa panayam ng ABS-CBN news sa Soul Supreme na ginaganap sa contract signing niya sa Kapamilya Network, naikwento ni KZ na kinakabahan siya sa sagot ni Jessie J sa kanyang imbitasyon.

Ang di lang malinaw ay kung iniimbitahan si KZ bilang performer o para masaksihan lamang ang konsyerto ng X-Factor Philippines 2012 champion.

Samantala, sa presscon ding iyon, naging emosyonal si KZ sa pagkikwento na minsang naisipan na niyang bumitiw sa showbiz.

Ngunit sa tulong ng kanyang pamilya na nagsilbing lakas niya, pinagpatuloy pa rin niya ang pagkanta at ngayon nga ay patuloy ang pag-angat ng kanyang career.

Katunayan, panibagong 3 taon pa muli ang pinirmahang kontrata ni KZ sa Kapamilya network.

Sa Singer 2018, bagaman at di pinalad na manalo, pinakita ni KZ ang talentong Pilipino na maging ang International singer na si Jessie J ay humanga sa kakaibang talento ni KZ.

Kaya naman, kahit nawala na siya noong sa contet, inimbitahan pa rin siya ni Jessie na makasama muli siya sa entablado kasama ang isa pang International artist na si Coco Lee.

Ngayon, abala na si KZ para sa kanyang concert sa Hunyo 22 na may pamagat na "Supreme" na gaganapin sa MOA Arena.

Sina Daryl Ong, Kyla, Jay-R, Moira Dela Torre, Gloc-9, Jason Dy at Iñigo Pascual ang ilan sa mga guest performers ni KZ.

Be amazed with this young Pinoy artist's extraordinary masterpiece. André Manguba makes celeb portraits using pasta and ketchup | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!

"Hindi Ko Kayang Iwan Ka," Mike Tan, magiging Tatay na!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel